Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/07 p. 5
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Nakakatanggap Ka ba ng “Pagkain sa Tamang Panahon”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Mga Video, Artikulo, at Audio Recording Para sa Seksiyon 2
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Mga Video, Artikulo, at Audio Recording Para sa Seksiyon 1
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Paggamit ng Internet—Maging Alisto sa mga Panganib Nito!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 10/07 p. 5

Tanong

◼ Sinasang-ayunan ba ng “tapat at maingat na alipin” ang hiwalay na grupo ng mga Saksi na nagtitipon upang magsaliksik o magdebate tungkol sa Kasulatan?—Mat. 24:45, 47.

Hindi. Ngunit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, may ilang kapatid sa ating organisasyon na bumuo ng mga grupo upang gumawa ng sarili nilang pagsasaliksik sa mga paksa sa Bibliya. Ang ilan sa mga ito ay gumawa ng sarili nilang pag-aaral ng wikang Hebreo at Griego na ginamit sa Bibliya upang suriin ang pagiging tumpak ng Bagong Sanlibutang Salin. Sinasaliksik naman ng iba ang mga paksa sa siyensiya na may kinalaman sa Bibliya. Gumawa sila ng mga Web site at chat room para magpalitan ng kuru-kuro at magdebate. Nagdaraos pa nga sila ng mga komperensiya at naglalabas ng mga publikasyon upang iharap ang kanilang mga natuklasan at magdagdag ng materyal na bukod pa sa inilalaan sa ating mga literatura at pulong Kristiyano.

Sa buong lupa, tumatanggap ang bayan ni Jehova ng saganang espirituwal na tagubilin at pampatibay-loob sa mga pulong sa kongregasyon, asamblea, at kombensiyon, at gayundin sa mga publikasyon ng organisasyon ni Jehova. Sa ilalim ng patnubay ng kaniyang banal na espiritu at salig sa kaniyang Salita ng katotohanan, inilalaan ni Jehova ang kinakailangan upang ang buong bayan ng Diyos ay “lubos [na] magkaisa sa iisang pag-iisip at sa iisang takbo ng kaisipan” at manatiling ‘matatag sa pananampalataya.’ (1 Cor. 1:10; Col. 2:6, 7) Anong laking pasasalamat natin sa mga espirituwal na paglalaan ni Jehova sa mga huling araw na ito! Kaya naman hindi inirerekomenda ng “tapat at maingat na alipin” ang anumang literatura, pulong, o Web site na hindi ginawa o inorganisa sa ilalim ng pangangasiwa nito.—Mat. 24:45-47.

Kapuri-puri ang pagnanais ng mga indibiduwal na gamitin ang kanilang kakayahang mag-isip upang suportahan ang mabuting balita. Subalit walang personal na gawain ang dapat maglihis sa atin mula sa ginagawa ni Jesu-Kristo sa pamamagitan ng kaniyang kongregasyon sa lupa sa ngayon. Noong unang siglo, nagbabala si apostol Pablo laban sa pagiging abala sa mga paksang nakapapagod at umuubos ng panahon, tulad ng “mga talaangkanan, na nauuwi sa wala, [at] nagbabangon ng mga tanong ukol sa pagsasaliksik sa halip na magkaloob ng anumang bagay mula sa Diyos may kaugnayan sa pananampalataya.” (1 Tim. 1:3-7) Dapat sikapin ng lahat ng Kristiyano na “iwasan . . . ang mga mangmang na pagtatanong at mga talaangkanan at hidwaan at mga pag-aaway tungkol sa Kautusan, sapagkat ang mga iyon ay di-mapakikinabangan at walang saysay.”—Tito 3:9.

Para sa mga nagnanais gumawa ng ekstrang pag-aaral at pagsasaliksik tungkol sa Bibliya, iminumungkahi namin na suriin nila ang Insight on the Scriptures, “Ang Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang,” at iba pa nating publikasyon, tulad ng mga tumatalakay sa mga hula sa aklat ng Bibliya na Daniel, Isaias, at Apocalipsis. Naglalaan ang mga ito ng saganang materyal para sa pag-aaral at pagbubulay-bulay sa Bibliya, nang sa gayon ay ‘mapuspos tayo ng tumpak na kaalaman sa kalooban ng Diyos na may buong karunungan at espirituwal na pagkaunawa, sa layuning lumakad nang karapat-dapat kay Jehova upang palugdan siya nang lubos samantalang patuloy tayong namumunga sa bawat mabuting gawa at lumalago sa tumpak na kaalaman sa Diyos.’—Col. 1:9, 10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share