Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo Simula Oktubre 8
10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Oktubre 15 ng Bantayan at ang Oktubre ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ialok ang dalawang magasin bagaman isang magasin lamang ang itatampok.
20 min: Manatiling Malapít sa Organisasyon ni Jehova. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa kabanata 17 ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova.
15 min: “Espesyal na Isyu ng Gumising! na Iaalok sa Nobyembre!”a Repasuhin sandali ang mga nilalaman ng Gumising! ng Nobyembre. Saka magpatuloy sa tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Kapag tinatalakay ang parapo 3, itanghal kung paano iaalok ang Gumising! ng Nobyembre gamit ang mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo. Sa pagtatapos ng pagtatanghal, ihanda ang may-bahay para sa susunod na pagdalaw.
Linggo Simula Oktubre 15
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: Namumunga ba ang Katotohanan sa Iyong mga Tinuturuan? Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Pebrero 1, 2005 ng Bantayan, pahina 28-30. Ilakip ang mga komento kung paano dinisenyo ang mga tanong sa aklat na Itinuturo ng Bibliya upang tulungan tayong malaman kung ano ang nasa puso ng estudyante. Talakayin ang ilang halimbawa, gaya ng kabanata 1, parapo 19; kabanata 2, parapo 4; kabanata 3, parapo 24; at kabanata 4, parapo 18. Pasiglahin ang mga mamamahayag na gamitin ang iba’t ibang bahagi ng aklat.
15 min: Natatandaan Mo Ba? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Agosto 15, 2007 ng Bantayan, pahina 19.
Linggo Simula Oktubre 22
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Nobyembre 1 ng Bantayan at ang Nobyembre ng Gumising!
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Patuloy na Lumakad Bilang mga Anak ng Liwanag. Pahayag at mga panayam. Iniwan na natin ang kadiliman ng daigdig na ito at ipinasiya nating magpaakay sa liwanag ni Jehova. (Efe. 5:8, 9) Naging mas maligaya ang ating buhay at nagkaroon ito ng layunin. (1 Tim. 4:8) Ang liwanag na ito ay nagbibigay rin sa atin ng pag-asa. (Roma 15:4) Kapanayamin ang dalawa o tatlong mamamahayag na napaharap at nagtagumpay sa malalaking problema upang magkaroon at mapanatili ang mabuting kaugnayan kay Jehova. Anu-anong hamon ang nakaharap nila nang malaman nila ang katotohanan? Paano nila napagtagumpayan ang mga ito? Paano naging mas maligaya ang kanilang buhay ngayon? Ano ang tumulong sa kanila na manatiling matatag sa katotohanan? Magtapos sa pamamagitan ng pagpapasigla sa lahat na patuloy na palakasin ang kanilang kaugnayan kay Jehova at magpakita ng matinding pagpapahalaga sa katotohanang isinisiwalat ni Jehova.—2 Ped. 1:5-8.
Linggo Simula Oktubre 29
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Oktubre. Banggitin ang alok na literatura para sa Nobyembre, at magkaroon ng isang pagtatanghal.
15 min: Magtakda ng Espirituwal na mga Tunguhin Upang Luwalhatiin ang Iyong Maylalang. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Hulyo 15, 2004 ng Bantayan, pahina 21-3. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa mga espirituwal na tunguhing itinakda nila at kung ano ang ginagawa nila upang maabot ang mga ito. Maaaring isaayos nang patiuna ang isa o dalawang komento.
20 min: “Bigyan ng Pag-asa ang Mahihirap.”b Kapag tinatalakay ang parapo 2, ilakip ang mga komento sa Setyembre 8, 2003 ng Gumising! pahina 26-7.
Linggo Simula Nobyembre 5
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Kung Paano Ipagsasanggalang ang Inyong mga Anak sa Pamamagitan ng Makadiyos na Karunungan. Pahayag salig sa Enero 1, 2005 ng Bantayan, pahina 23-7.
20 min: “Pagpapalitan ng Pampatibay-Loob Para sa Lahat.”c Anyayahan ang mga tagapakinig na magbigay ng espesipikong mga komento kung paano sila napatibay-loob ng naglalakbay na tagapangasiwa noong dalaw niya sa kongregasyon. Maaaring isaayos nang patiuna ang isa o dalawang komento.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.