Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/07 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 12
  • Linggo ng Nobyembre 19
  • Linggo ng Nobyembre 26
  • Linggo ng Disyembre 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 11/07 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Nobyembre 12

Awit 59

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Nobyembre 15 ng Bantayan at ang Nobyembre ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ialok ang dalawang magasin bagaman isang magasin lamang ang itatampok.

15 min: “Ang Pilak ay Akin, at ang Ginto ay Akin.” Pahayag ng isang elder batay sa Nobyembre 1, 2007 ng Bantayan, pahina 17-21.

20 min: “Lumakad Gaya ng Marurunong.”a Kung ipinahihintulot ng panahon, anyayahang magkomento ang mga tagapakinig sa nabanggit na mga teksto.

Awit 192

Linggo ng Nobyembre 19

Awit 109

10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang alok na literatura para sa Disyembre, at magkaroon ng isang pagtatanghal. Talakayin din ang artikulong “Bigyang-Pansin Kung Paano Ka Nakikinig” sa pahina 7, na ipinaaalaala sa lahat na ikapit ang mga mungkahing ito kapag dumadalo sa mga pandistritong kombensiyon upang lubusang makinabang sa programa.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Huwag Mag-atubili!”b Kapag tinatalakay ang parapo 5, ilakip ang mga komento mula sa mga nagdaos ng pag-aaral sa mga indibiduwal na naging Saksi. Paano naging kasiya-siya ang pagdaraos ng progresibong pag-aaral sa Bibliya? Maaaring isaayos nang patiuna ang isa o dalawang komento.

Awit 96

Linggo ng Nobyembre 26

Awit 172

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Nobyembre. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Disyembre 1 ng Bantayan at ang Disyembre ng Gumising!

15 min: Mapalalawak Mo ba ang Iyong Pag-ibig? Pahayag ng isang elder batay sa Enero 1, 2007 ng Bantayan, pahina 9-11.

20 min: Mga Kabataan—Paano Ninyo Mapupuri si Jehova? Pagtalakay sa Hunyo 15, 2005 ng Bantayan, pahina 26-8, parapo 15-19, gamit ang inilaang mga tanong sa pag-aaral. Kapag tinatalakay ang parapo 18, anyayahan ang mga kabataan na ilahad kung paano sila nagpatotoo sa mga estudyante o guro sa paaralan.

Awit 5

Linggo ng Disyembre 3

Awit 77

15 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Repasuhin ang mga punto sa “Tanong” sa pahina 7.

15 min: Isang Paaralang ang mga Nagsipagtapos ay Nagdudulot ng Kapakinabangan sa Buong Daigdig. Pahayag batay sa Nobyembre 15, 2006 ng Bantayan, pahina 10-13. Ilakip ang isang maikling panayam sa sinumang elder o ministeryal na lingkod sa kongregasyon na nag-aral sa Ministerial Training School. Paano sila natulungan ng paaralan na sumulong bilang mga ebanghelisador, pastol, at guro? Pasiglahin ang kuwalipikadong mga kapatid na lalaki na gawing tunguhin ang makapag-aral sa Ministerial Training School.

15 min: “Sabihin sa Iba ang Ating Pag-asa Tungkol sa Kaharian.”c Kung ipinahihintulot ng panahon, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa nabanggit na mga teksto.

Awit 173

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share