Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre: Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kapag sinabi ng may-bahay na wala silang anak, ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Maging Malapít kay Jehova, o Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Enero: Maaaring ialok ang alinman sa 192-pahinang aklat na inilathala bago 1991. Kung walang suplay ng mga aklat na ito ang inyong kongregasyon, maaaring ialok ang aklat na Kaalaman (kung mayroon) o ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Pebrero: Maaaring ialok ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? o ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya.
◼ Yamang may limang Sabado at limang Linggo ang Disyembre, magandang buwan ito para mag-auxiliary pioneer, kahit na marami ang maaaring dadalo sa pandistritong kombensiyon sa isa sa mga dulo ng sanlinggong iyon.
◼ Ang insert sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2008” at dapat itong ingatan bilang reperensiya para sa buong taon ng 2008.
◼ Ang mga donasyon sa pamamagitan ng tseke para sa pambuong-daigdig na gawain na ibinibigay sa mga pandistritong kombensiyon o ipinadadala sa tanggapang pansangay ay dapat ipangalan sa “Watch Tower.”
◼ Kung hindi pa kayo nakagagawa, hinihimok ang lahat ng mamamahayag na punan ang durable power of attorney (DPA) card. Ipinagsasanggalang ng DPA card na ito ang inyong karapatang hindi magpasalin ng dugo. Tutulungan kayo ng mga elder kung kinakailangan.—Tingnan ang insert ng Enero 2007 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
◼ Hindi na kailangang magbigay ang mga mamamahayag ng Study Report (S-3) para sa bawat pantahanang pag-aaral sa Bibliya na idinaraos nila sa loob ng isang buwan. Pero dapat pa rin nilang itala sa angkop na hanay sa Field Service Report (S-4) ang bilang ng iba’t ibang pag-aaral sa Bibliya na idinaraos nila. Karaka-raka, ang S-3 form ay gagamitin na lamang ngayon upang itala ang bilang ng dumalo sa mga pulong ng kongregasyon.
◼ Pagbabago sa Pandistritong Kombensiyon: Ang pandistritong kombensiyon na idaraos sana sa Nabunturan, Compostela Valley ay idaraos na ngayon sa Compostela sa halip na sa Nabunturan. Ang mga petsa ay hindi nagbago, Disyembre 21-23, 2007 pa rin.