Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2008
MGA TAGUBILIN
Sa 2008, ang kaayusan sa pagdaraos ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo ay ang sumusunod.
PINAGKUNANG MATERYAL: Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan [bi12], Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo [be], “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (Edisyon ng 1990) [si], at Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan (Edisyon ng 1989) [rs].
Ang paaralan ay dapat magsimula nang EKSAKTO SA ORAS sa pamamagitan ng awit, panalangin, at malugod na pagtanggap at magpatuloy gaya ng nakabalangkas sa ibaba. Pagkatapos ng bawat bahagi, sasabihin ng tagapangasiwa ng paaralan ang susunod na bahagi.
KALIDAD SA PAGSASALITA: 5 minuto. Ang tagapangasiwa ng paaralan, ang katulong na tagapayo, o isa pang kuwalipikadong elder ang tatalakay sa isang kalidad sa pagsasalita salig sa aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. (Sa mga kongregasyong may limitadong bilang ng mga elder, maaaring gamitin ang kuwalipikadong mga ministeryal na lingkod.)
ATAS BLG. 1: 10 minuto. Dapat itong gampanan ng isang kuwalipikadong elder o ministeryal na lingkod, at ibabatay ito sa Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, o “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang.” Ihaharap ito bilang sampung-minutong pahayag na nagtuturo. Ang tunguhin ay hindi lamang saklawin ang materyal kundi pagtuunan ng pansin ang praktikal na kahalagahan ng impormasyong tinatalakay, anupat itinatampok ang mga puntong lubos na kapaki-pakinabang sa kongregasyon. Dapat gamitin ang nakasaad na tema. Inaasahang titiyakin ng mga brother na inatasan sa pahayag na ito na hindi sila lalampas sa itinakdang oras. Maaari silang bigyan ng pribadong payo kung kinakailangan.
MGA TAMPOK NA BAHAGI SA PAGBABASA NG BIBLIYA: 10 minuto. Sa unang limang minuto, isang kuwalipikadong elder o ministeryal na lingkod ang magkakapit ng materyal sa paraang mapapakinabangan ng kongregasyon. Maaari siyang magkomento sa anumang bahagi ng nakatakdang materyal para sa pagbabasa ng Bibliya sa linggong iyon. Hindi ito dapat na basta sumaryo lamang ng materyal na nakatakdang basahin. Ang pangunahing tunguhin ay tulungan ang mga tagapakinig na pahalagahan kung bakit at kung paano mapapakinabangan ang impormasyon. Dapat maging maingat ang tagapagsalita na huwag lumampas sa limang minutong inilaan para sa pambungad na bahagi. Dapat niyang tiyakin na maglalaan siya ng limang minuto para sa pakikibahagi ng mga tagapakinig. Ang mga tagapakinig ay aanyayahang magbigay ng maiikling komento (30 segundo o mas maikli pa) sa kung ano ang napahalagahan nila sa pagbabasa ng Bibliya at kung ano ang mga pakinabang nito. Pagkatapos ay papupuntahin na ng tagapangasiwa ng paaralan ang mga estudyanteng naatasan sa ibang silid-aralan.
ATAS BLG. 2: 4 na minuto o mas maikli pa. Ito ay pagbabasa ng isang brother. Ang iniatas na materyal ay dapat basahin ng estudyante nang walang introduksiyon o konklusyon. Ang tagapangasiwa ng paaralan ay magbibigay ng pansin lalo na sa pagtulong sa mga estudyante na bumasa nang natural, matatas, may unawa, may wastong pagdiriin ng mga susing salita, may pagbabagu-bago ng tono ng boses, at angkop na sandaling paghinto.
ATAS BLG. 3: 5 minuto. Iaatas ito sa isang sister. Ang mga sister na tatanggap ng atas na ito ay aatasan ng isang tagpo o kaya’y pipili nito mula sa talaan na makikita sa pahina 82 ng aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. Dapat gamitin ng estudyante ang iniatas na tema at ikapit ito sa isang pitak ng paglilingkod sa larangan na makatotohanan at praktikal sa lokal na teritoryo. Kapag walang ibinigay na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, ang estudyante ay kailangang magsaliksik sa ating mga publikasyon upang makakuha ng materyal para sa bahaging ito. Ang mga baguhang estudyante ay bibigyan ng mga atas na may inilaang reperensiya. Ang tagapangasiwa ng paaralan ay magbibigay-pansin lalo na kung paano binuo ng estudyante ang materyal at kung paano niya tinulungan ang may-bahay na mangatuwiran sa Kasulatan at maunawaan ang mga susing punto sa pagtatanghal. Mag-aatas ng isang kasama ang tagapangasiwa ng paaralan.
ATAS BLG. 4: 5 minuto. Dapat buuin ng estudyante ang iniatas na tema. Kapag walang ibinigay na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, ang estudyante ay kailangang magsaliksik sa ating mga publikasyon upang makakuha ng materyal para sa bahaging ito. Kapag iniatas sa isang brother, ang bahaging ito ay dapat iharap bilang pahayag sa mga tagapakinig sa Kingdom Hall. Kapag sa isang sister naman ibinigay ang atas na ito, dapat itong iharap lagi gaya ng nakabalangkas sa Atas Blg. 3. Maaaring ibigay ng tagapangasiwa ng paaralan ang Atas Blg. 4 sa isang brother kapag nakikita niyang angkop ito. Pakisuyong pansinin na ang mga paksang may asterisk ay dapat iatas lagi sa mga brother upang iharap bilang pahayag. Kung maraming elder at ministeryal na lingkod sa inyong kongregasyon na gaganap ng iba’t ibang bahagi sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at Pulong sa Paglilingkod, mas makabubuting iatas ang mga paksang may asterisk sa isang elder o ministeryal na lingkod hangga’t maaari.
PAYO: 1 minuto. Hindi patiunang sasabihin ng tagapangasiwa ng paaralan sa plataporma kung anong kalidad sa pagsasalita ang ikakapit ng estudyante. Pagkatapos ng Atas Blg. 2, Blg. 3, at Blg. 4, ang tagapangasiwa ng paaralan ay magbibigay ng magagandang obserbasyon tungkol sa isang aspekto ng pahayag na dapat bigyan ng komendasyon. Ang kaniyang tunguhin ay hindi lamang para magsabi ng “mahusay” kundi magtuon ng pansin sa espesipikong mga dahilan kung bakit mabisa ang aspektong iyon ng presentasyon. Depende sa pangangailangan ng bawat estudyante, maaaring magbigay ng karagdagang nakapagpapatibay na payo sa pribadong paraan pagkatapos ng pulong o sa ibang panahon.
ORAS: Hindi dapat lumampas sa oras ang mga pahayag, pati na ang mga komento ng tagapayo. Ang Atas Blg. 2 hanggang 4 ay dapat na mataktikang patigilin kapag lampas na sa oras. Kapag lumampas sa oras ang mga brother na gaganap sa pambukas na pahayag hinggil sa kalidad sa pagsasalita, Atas Blg. 1, o mga tampok na bahagi sa pagbabasa ng Bibliya, dapat silang bigyan ng pribadong payo. Dapat bantayang mabuti ng lahat ang kanilang oras. Kabuuang programa: 45 minuto, hindi kasali ang awit at panalangin.
TALAAN NG PAYO: Nasa aklat-aralin.
KATULONG NA TAGAPAYO: Maaaring pumili ang lupon ng matatanda ng isang may-kakayahang elder, kung mayroon bukod sa tagapangasiwa ng paaralan, upang humawak ng atas bilang katulong na tagapayo. Kung maraming elder sa kongregasyon, maaaring gampanan ng iba’t ibang kuwalipikadong elder ang atas na ito taun-taon. Pananagutan ng katulong na tagapayo na magbigay ng pribadong payo, kung kinakailangan, sa mga kapatid na naghaharap ng Atas Blg. 1 at ng mga tampok na bahagi sa Bibliya. Hindi niya kailangang magbigay ng payo sa tuwing matatapos ang bawat pahayag ng kaniyang kapuwa elder o ng mga ministeryal na lingkod.
REPASO SA PAARALANG TEOKRATIKO UKOL SA MINISTERYO: 30 minuto. Tuwing ikalawang buwan, magdaraos ng repaso ang tagapangasiwa ng paaralan. Susunod ito matapos talakayin ang kalidad sa pagsasalita at ang mga tampok na bahagi sa pagbabasa ng Bibliya gaya ng nakabalangkas sa itaas. Ang repaso ay isasalig sa materyal na tinalakay sa paaralan sa nakalipas na dalawang buwan, lakip na ang kasalukuyang linggo. Kung ang inyong kongregasyon ay may pansirkitong asamblea sa linggo ng Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, ang repaso (at ang iba pang nakaiskedyul sa linggong iyon) ay ipagpapaliban nang isang linggo at ang kasunod na iskedyul muna ang gagamitin. Kung dadalaw sa inyong kongregasyon ang tagapangasiwa ng sirkito sa linggo ng repaso, ang awit, pahayag sa kalidad sa pagsasalita, at mga tampok na bahagi sa Bibliya ay dapat idaos ayon sa iskedyul. Ang pahayag na nagtuturo (na inihaharap pagkatapos ng pahayag sa kalidad sa pagsasalita) ay dapat kunin sa iskedyul ng susunod na linggo. Ihaharap sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa susunod na linggo ang pahayag sa kalidad sa pagsasalita at mga tampok na bahagi sa Bibliya gaya ng nakaiskedyul sa linggong iyon, at pagkatapos ay susundan ito ng repaso.
ISKEDYUL
Ene. 7 Pagbabasa ng Bibliya: Mateo 1-6 Awit 62
Kalidad sa Pagsasalita: Paglalaan ng Kinakailangang Paliwanag (be p. 228 ¶2-3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mateo (si p. 175-7 ¶1-10)
Blg. 2: Mateo 5:1-20
Blg. 3: Bakit Namamatay ang Tao? (rs p. 105-6 ¶6)
Blg. 4: Kung Paano Tayo Tinutulungan ng Banal na Espiritu ng Diyos
Ene. 14 Pagbabasa ng Bibliya: Mateo 7-11 Awit 224
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Nasasangkot ang Puso (be p. 228 ¶4–p. 229 ¶1)
Blg. 1: Magtamasa ng Kaluguran sa Salita ng Diyos (be p. 9 ¶1-5)
Blg. 2: Mateo 10:1-23
Blg. 3: Kung Bakit Sulit ang Maging Matapat
Blg. 4: Saan Naroroon ang mga Patay, at Ano ang Kanilang Kalagayan? (rs p. 106 ¶7–p. 108 ¶4)
Ene. 21 Pagbabasa ng Bibliya: Mateo 12-15 Awit 133
Kalidad sa Pagsasalita: Nakapagtuturo sa Iyong Tagapakinig (be p. 230 ¶1-6)
Blg. 1: Basahin ang Bibliya Araw-araw (be p. 10 ¶1–p. 12 ¶3)
Blg. 2: Mateo 14:1-22
Blg. 3: Bakit Hindi Nakikibahagi ang mga Saksi ni Jehova sa Tradisyonal na mga Kaugalian sa Pagluluksa? (rs p. 109 ¶1–p. 110 ¶1)
Blg. 4: Ano o Sino ang Antikristo?
Ene. 28 Pagbabasa ng Bibliya: Mateo 16-21 Awit 176
Kalidad sa Pagsasalita: Ginagawang Nakapagtuturo ang Pahayag sa Pamamagitan ng Pagsasaliksik (be p. 231 ¶1-3)
Blg. 1: ‘Bigyang-Pansin Kung Paano Ka Nakikinig’ (be p. 13 ¶1–p. 14 ¶4)
Blg. 2: Mateo 17:1-20
Blg. 3: Pagsagot sa Maling mga Palagay Tungkol sa Kamatayan (rs p. 110 ¶2-4)
Blg. 4: Mga Bagay na Itinuturing na Sagrado ng mga Kristiyano
Peb. 4 Pagbabasa ng Bibliya: Mateo 22-25 Awit 151
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapaliwanag sa Kasulatan (be p. 231 ¶4-5)
Blg. 1: Pakikinig sa mga Pulong at Asamblea (be p. 15 ¶1–p. 16 ¶5)
Blg. 2: Mateo 23:1-24
Blg. 3: Hindi Nakababagot ang Buhay na Walang Hanggan
Blg. 4: Mga Panaginip—Kinasihan at mga Di-kinasihan (rs p. 315-6 ¶7)
Peb. 11 Pagbabasa ng Bibliya: Mateo 26-28 Awit 110
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng mga Termino (be p. 232 ¶1)
Blg. 1: Mateo—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 180-1 ¶29-33)
Blg. 2: Mateo 27:1-22
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Lamang Basta Paniniwala sa Diyos ang Pananampalataya
Blg. 4: Mga Droga—Kailan Ipinagbabawal sa mga Kristiyano (rs p. 133-5 ¶3)
Peb. 18 Pagbabasa ng Bibliya: Marcos 1-4 Awit 167
Kalidad sa Pagsasalita: Pangangatuwiran sa mga Teksto (be p. 232 ¶2-4)
Blg. 1: Introduksiyon sa Marcos (si p. 181-3 ¶1-11)
Blg. 2: Marcos 2:1-17
Blg. 3: Kung Bakit Iniiwasan ng mga Kristiyano ang Marijuana (rs p. 135 ¶1–p. 136 ¶1)
Blg. 4: Kung Paano Pinatitibay ng Pag-ibig ang Lakas ng Loob
Peb. 25 Pagbabasa ng Bibliya: Marcos 5-8 Awit 72
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpili ng Impormasyon na Mapapakinabangan ng Iyong Tagapakinig (be p. 233 ¶1-5)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Mar. 3 Pagbabasa ng Bibliya: Marcos 9-12 Awit 195
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Iniatas na Materyal (be p. 234 ¶1–p. 235 ¶3)
Blg. 1: Mapasusulong Mo ang Iyong Memorya (be p. 17 ¶1–p. 19 ¶1)
Blg. 2: Marcos 11:1-18
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Makapagsisinungaling ang Diyos
Blg. 4: Kung Bakit Iniiwasan ng mga Kristiyano ang Paninigarilyo (rs p. 136 ¶2–p. 138 ¶1)
Mar. 10 Pagbabasa ng Bibliya: Marcos 13-16 Awit 87
Kalidad sa Pagsasalita: Mabisang Paggamit ng mga Tanong (be p. 236 ¶1-5)
Blg. 1: Marcos—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 186 ¶31-3)
Blg. 2: Marcos 14:1-21
Blg. 3: Pagdaig sa mga Bisyo—Paano? (rs p. 138 ¶2–p. 139 ¶1)
Blg. 4: Kung Bakit ang “Poot ng Tao ay Hindi Gumagawa Ukol sa Katuwiran ng Diyos” (Sant. 1:20)
Mar. 17 Pagbabasa ng Bibliya: Lucas 1-3 Awit 13
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Maiharap ang Mahahalagang Ideya (be p. 237 ¶1-2)
Blg. 1: Introduksiyon sa Lucas (si p. 187-8 ¶1-9)
Blg. 2: Lucas 1:1-23
Blg. 3: Kung Bakit ang “Pananampalataya na Hiwalay sa mga Gawa ay Di-aktibo” (Sant. 2:20)
Blg. 4: Hindi Mahahadlangan ng mga Bansa ang Layunin ng Diyos Tungkol sa Lupa (rs p. 227-28 ¶2)
Mar. 24 Pagbabasa ng Bibliya: Lucas 4-6 Awit 156
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Makapangatuwiran sa Isang Paksa (be p. 237 ¶3–p. 238 ¶2)
Blg. 1: Ang Papel ng Espiritu ng Diyos sa Pag-alaala sa Ating Natutuhan (be p. 19 ¶2–p. 20 ¶3)
Blg. 2: Lucas 4:1-21
Blg. 3: Wawasakin ba ni Jehova ang Lupa sa Pamamagitan ng Apoy? (rs p. 228 ¶3–p. 230 ¶1)
Blg. 4: Pinipigilan Tayo ng Pagkatakot sa Diyos na Gumawa ng Kasalanan
Mar. 31 Pagbabasa ng Bibliya: Lucas 7-9 Awit 122
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Alamin Kung Ano ang Niloloob (be p. 238 ¶3-5)
Blg. 1: Bakit Dapat Kang Magsikap sa Pagbabasa? (be p. 21 ¶1–p. 23 ¶3)
Blg. 2: Lucas 7:1-17
Blg. 3: Katibayan na Iniibig Tayo ng Diyos at Nais Niya Tayong Maging Maligaya
Blg. 4: Ang mga Kabilang sa Bagong Jerusalem ay Hindi Babalik sa Lupa Kapag Nalipol Na ang mga Balakyot (rs p. 230 ¶2-3)
Abr. 7 Pagbabasa ng Bibliya: Lucas 10-12 Awit 68
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Higit Pang Makapagdiin (be p. 239 ¶1-2)
Blg. 1: Kung Paano Ka Magiging Masikap sa Pagbabasa (be p. 23 ¶4–p. 26 ¶5)
Blg. 2: Lucas 11:37-54
Blg. 3: Nagbago ba ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? (rs p. 231 ¶1–p. 232 ¶1)
Blg. 4: Ano ang Ibig Sabihin ng Apocalipsis 17:17?
Abr. 14 Pagbabasa ng Bibliya: Lucas 13-17 Awit 86
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Tanong Upang Maibunyag ang Maling Kaisipan (be p. 239 ¶3-5)
Blg. 1: Kung Paano Mag-aaral (be p. 27 ¶1–p. 31 ¶2)
Blg. 2: Lucas 16:1-15
Blg. 3: Kung Ano ang Itinuturo sa Atin ng Kautusan ng Diyos Tungkol sa Paghihimalay (Lev. 19:9, 10)
Blg. 4: Paano Natin Mapatitibay-Loob ang mga May Karamdaman? (rs p. 311-12 ¶1)
Abr. 21 Pagbabasa ng Bibliya: Lucas 18-21 Awit 182
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Paghahalintulad at mga Metapora na Nakapagtuturo (be p. 240 ¶1–p. 241 ¶2)
Blg. 1: Lucas—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 192-3 ¶30-5)
Blg. 2: Lucas 18:1-17
Blg. 3: Kung Paano Natin Mapatitibay-Loob ang mga Naulila (rs p. 312 ¶2-6)
Blg. 4: Kung Ano ang Ibig Sabihin ng ‘Magpatuloy Nang Walang mga Bulung-bulungan’ (Fil. 2:14)
Abr. 28 Pagbabasa ng Bibliya: Lucas 22-24 Awit 218
Kalidad sa Pagsasalita: Gumamit ng mga Halimbawa (be p. 241 ¶3–p. 242 ¶1)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Mayo 5 Pagbabasa ng Bibliya: Juan 1-4 Awit 31
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Halimbawa sa Kasulatan (be p. 242 ¶2-3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Juan (si p. 193-4 ¶1-9)
Blg. 2: Juan 3:1-21
Blg. 3: Kung Ano ang Matututuhan Natin sa Pagtutol ni David na Patayin si Haring Saul
Blg. 4: Pampatibay-Loob Para sa mga Pinag-uusig Dahil sa Pagganap ng Kalooban ng Diyos (rs p. 312 ¶7–p. 313 ¶3)
Mayo 12 Pagbabasa ng Bibliya: Juan 5-7 Awit 150
Kalidad sa Pagsasalita: Mauunawaan Kaya Ito? (be p. 242 ¶4–p. 243 ¶1)
Blg. 1: Ang Pag-aaral ay Kapaki-pakinabang (be p. 31 ¶3–p. 32 ¶3)
Blg. 2: Juan 6:1-21
Blg. 3: Kung Ano ang Itinuturo sa Atin ng Ulat Tungkol Kina Ananias at Sapira
Blg. 4: Paano Mo Mapatitibay ang mga Nasisiraan ng Loob Dahil sa Kawalang-Katarungan? (rs p. 313 ¶4–p. 314 ¶1)
Mayo 19 Pagbabasa ng Bibliya: Juan 8-11 Awit 102
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Ilustrasyon Mula sa Pamilyar na mga Situwasyon (be p. 244 ¶1-2)
Blg. 1: Kung Paano Gagawin ang Pagsasaliksik sa Bibliya (be p. 33 ¶1–p. 35 ¶2)
Blg. 2: Juan 11:38-57
Blg. 3: Ano ang Pampatibay-Loob sa mga Ginigipit ng mga Suliraning Pangkabuhayan? (rs p. 314 ¶2-6)
Blg. 4: Yamang Walang Makapagpapatupad sa Ikasampung Utos, Bakit Ito Ibinigay?
Mayo 26 Pagbabasa ng Bibliya: Juan 12-16 Awit 3
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Ilustrasyong Angkop sa Iyong Tagapakinig (be p. 244 ¶3–p. 245 ¶4)
Blg. 1: Pag-aralang Gamitin ang Iba Pang mga Kasangkapan sa Pagsasaliksik (be p. 35 ¶3–p. 38 ¶4)
Blg. 2: Juan 12:1-19
Blg. 3: Pampatibay Para sa mga Nasisiraan ng Loob Dahil sa mga Pagkukulang (rs p. 314 ¶7–p. 315 ¶1)
Blg. 4: Kung Paano Natin Inihahagis ang Ating Pasanin kay Jehova (Awit 55:22)
Hun. 2 Pagbabasa ng Bibliya: Juan 17-21 Awit 198
Kalidad sa Pagsasalita: Mabisang Paggamit ng mga Visual Aid (be p. 247 ¶1-2)
Blg. 1: Juan—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 198-9 ¶30-5)
Blg. 2: Juan 21:1-14
Blg. 3: Bakit Dapat Maniwala sa Diyos na Hindi Natin Nakikita?
Blg. 4: Ebolusyon—Problema ng mga Siyentipiko (rs p. 145-6 ¶4)
Hun. 9 Pagbabasa ng Bibliya: Gawa 1-4 Awit 92
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Gumamit si Jesus ng mga Visual Aid (be p. 247 ¶3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Gawa (si p. 199-200 ¶1-8)
Blg. 2: Gawa 1:1-14
Blg. 3: Ebolusyon, mga Labí sa Bato, at Pagiging Makatuwiran (rs p. 146 ¶5–p. 150 ¶1)
Blg. 4: Ano ang Nasasangkot sa “Kalayaan sa Pagsasalita”? (Heb 3:6)
Hun. 16 Pagbabasa ng Bibliya: Gawa 5-7 Awit 2
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Paraan ng Paggamit ng mga Visual Aid (be p. 248 ¶1-3)
Blg. 1: Paggawa ng Balangkas (be p. 39-42)
Blg. 2: Gawa 5:1-16
Blg. 3: Sagot sa mga Sinasabi ng mga Ebolusyonista (rs p. 150 ¶2–p. 152 ¶2)
Blg. 4: Bakit ang Pagkatakot kay Jehova ang Pasimula ng Karunungan? (Awit 111:10)
Hun. 23 Pagbabasa ng Bibliya: Gawa 8-10 Awit 116
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng mga Mapa, Nakaimprentang mga Programa sa Asamblea, at mga Video (be p. 248 ¶4–p. 249 ¶2)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Atas ng Estudyante sa Paaralan (be p. 43 ¶1–p. 44 ¶3)
Blg. 2: Gawa 8:1-17
Blg. 3: Kung Paano ‘Ililigtas ni Jesus ang Dukha’ (Awit 72:12)
Blg. 4: Kung Bakit Maraming Tao ang Walang Pananampalataya (rs p. 320-22 ¶1)
Hun. 30 Pagbabasa ng Bibliya: Gawa 11-14 Awit 79
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng mga Visual Aid Para sa Mas Malalaking Grupo (be p. 249 ¶3–p. 250 ¶1)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Hul. 7 Pagbabasa ng Bibliya: Gawa 15-17 Awit 203
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Bakit Mahalaga ang May Pangangatuwirang Paraan (be p. 251 ¶1-3)
Blg. 1: Paghahanda ng Isang Paksa at Isang Tagpo (be p. 44 ¶4–p. 46 ¶2)
Blg. 2: Gawa 16:1-15
Blg. 3: Mga Dahilan Upang Paglingkuran si Jehova Nang Walang Takot
Blg. 4: Paano Makapagtatamo ang Isang Tao ng Pananampalataya? (rs p. 322 ¶2-5)
Hul. 14 Pagbabasa ng Bibliya: Gawa 18-21 Awit 32
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Saan Magsisimula (be p. 251 ¶4–p. 252 ¶3)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Pahayag sa Kongregasyon (be p. 47 ¶1–p. 49 ¶1)
Blg. 2: Gawa 20:1-16
Blg. 3: Ang Pananampalataya sa Pag-asa Ukol sa Matuwid na Bagong Sistema ay Pinatutunayan sa Pamamagitan ng mga Gawa (rs p. 323 ¶1-5)
Blg. 4: Ano ang Matututuhan Natin sa Pagbabawal na Mababasa sa Exodo 23:19b?
Hul. 21 Pagbabasa ng Bibliya: Gawa 22-25 Awit 200
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Kailan Magpaparaya (be p. 252 ¶4–p. 253 ¶2)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Bahagi sa Pulong sa Paglilingkod at Iba Pang mga Pahayag (be p. 49 ¶2–p. 51 ¶1)
Blg. 2: Gawa 22:1-16
Blg. 3: Paano Tinutupad ng mga Saksi ni Jehova ang Juan 13:34, 35?
Blg. 4: Paano Makikilala ang mga Bulaang Propeta? (rs p. 75-6 ¶6)
Hul. 28 Pagbabasa ng Bibliya: Gawa 26-28 Awit 29
Kalidad sa Pagsasalita: Magbangon ng mga Tanong at Mangatuwiran (be p. 253 ¶3–p. 254 ¶2)
Blg. 1: Mga Gawa—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 204-5 ¶32-40)
Blg. 2: Gawa 26:1-18
Blg. 3: Hindi Laging Nauunawaan ng Tunay na mga Propeta Kung Paano at Kailan Matutupad ang mga Bagay na Inihula (rs p. 77 ¶1-6)
Blg. 4: Kung Bakit Matiisin si Jehova
Agos. 4 Pagbabasa ng Bibliya: Roma 1-4 Awit 170
Kalidad sa Pagsasalita: Mahuhusay na Argumento na Matatag na Nakasalig sa Salita ng Diyos (be p. 255 ¶1–p. 256 ¶2)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Taga-Roma (si p. 205-6 ¶1-7)
Blg. 2: Roma 3:1-20
Blg. 3: Kung Paano Ipinagsasanggalang at Pinalalakas ng mga Anghel ang mga Lingkod ng Diyos
Blg. 4: Itinataguyod ng mga Saksi ni Jehova ang Tunay na Pagsamba (rs p. 77 ¶7–p. 78 ¶1)
Agos. 11 Pagbabasa ng Bibliya: Roma 5-8 Awit 207
Kalidad sa Pagsasalita: Suportahan ang mga Argumento ng Karagdagang Ebidensiya (be p. 256 ¶3-5)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Pahayag sa Madla (be p. 52 ¶1–p. 54 ¶1)
Blg. 2: Roma 6:1-20
Blg. 3: Nakikilala ang mga Saksi ni Jehova sa Pamamagitan ng Kanilang mga Bunga (rs p. 78 ¶2–p. 80 ¶1)
Blg. 4: Kung Paano Tayo Maiingatan ng Katuwiran
Agos. 18 Pagbabasa ng Bibliya: Roma 9-12 Awit 152
Kalidad sa Pagsasalita: Magharap ng Sapat na Ebidensiya (be p. 256 ¶6–p. 257 ¶3)
Blg. 1: Mga Taga-Roma—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 208-9 ¶20-5)
Blg. 2: Roma 9:1-18
Blg. 3: Ano ang mga Panganib ng Pagtsitsismis at Pagkakalat ng mga Usap-usapan?
Blg. 4: Sagot sa mga Tumatawag sa Atin na mga Bulaang Propeta (rs p. 80 ¶2-4)
Agos. 25 Pagbabasa ng Bibliya: Roma 13-16 Awit 16
Kalidad sa Pagsasalita: Pagsisikap na Abutin ang Puso (be p. 258 ¶1-5)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Set. 1 Pagbabasa ng Bibliya: 1 Corinto 1-9 Awit 199
Kalidad sa Pagsasalita: Arukin Kung Ano ang Nasa Puso ng mga Tao (be p. 259 ¶1-3)
Blg. 1: Introduksiyon sa 1 Corinto (si p. 210-11 ¶1-7)
Blg. 2: 1 Corinto 4:1-17
Blg. 3: Hindi Itinatadhana ng Diyos Kung Kailan Mamamatay ang Bawat Tao (rs p. 405 ¶1-3)
Blg. 4: Katibayan ba ng Pagpapala ng Diyos ang Pagkakaroon ng Materyal na mga Kayamanan?
Set. 8 Pagbabasa ng Bibliya: 1 Corinto 10-16 Awit 35
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-antig sa Kapaki-pakinabang na mga Damdamin (be p. 259 ¶4–p. 260 ¶1)
Blg. 1: 1 Corinto—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 213-14 ¶23-6)
Blg. 2: 1 Corinto 13:1–14:6
Blg. 3: Kung Bakit Maligaya ang mga Tagatupad ng Salita
Blg. 4: Hindi Lahat ng Nangyayari ay Kalooban ng Diyos (rs p. 406 ¶1–p. 407 ¶3)
Set. 15 Pagbabasa ng Bibliya: 2 Corinto 1-7 Awit 58
Kalidad sa Pagsasalita: Tulungan ang Iba na Magkaroon ng Makadiyos na Pagkatakot (be p. 260 ¶2-3)
Blg. 1: Introduksiyon sa 2 Corinto (si p. 214 ¶1-4)
Blg. 2: 2 Corinto 1:1-14
Blg. 3: Hindi Lahat ay Patiunang Itinatalaga at Nababatid ng Diyos (rs p. 407 ¶4-6)
Blg. 4: Kung Bakit Nagsasaya ang mga Tunay na Kristiyano Kapag Pinag-uusig
Set. 22 Pagbabasa ng Bibliya: 2 Corinto 8-13 Awit 12
Kalidad sa Pagsasalita: Mahalaga sa Diyos ang Ating Paggawi (be p. 260 ¶4–p. 261 ¶1)
Blg. 1: 2 Corinto—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 216-17 ¶18-20)
Blg. 2: 2 Corinto 9:1-15
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Bahagi ng Sanlibutan ang mga Tunay na Kristiyano
Blg. 4: May Kakayahan ang Diyos na Patiunang Umalam at Magtalaga ng mga Pangyayari (rs p. 408 ¶1-4)
Set. 29 Pagbabasa ng Bibliya: Galacia 1-6 Awit 163
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtulong sa Iba na Gumawa ng Pagsusuri (be p. 261 ¶2-4)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Taga-Galacia at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 217-20 ¶1-6, 14-18)
Blg. 2: Galacia 1:1-17
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Ginamit ng Diyos ang Kaniyang Patiunang Kaalaman May Kaugnayan kay Adan (rs p. 409 ¶1-3)
Blg. 4: Kung Paano Madaraig ng Pag-ibig ang Pagkatakot sa Tao
Okt. 6 Pagbabasa ng Bibliya: Efeso 1-6 Awit 99
Kalidad sa Pagsasalita: Pasiglahin ang Iba na Taos-Pusong Sumunod (be p. 262 ¶1-4)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Taga-Efeso at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 220-3 ¶1-8, 16-19)
Blg. 2: Efeso 3:1-19
Blg. 3: Hindi Tanda ng Kahinaan ang Paghingi ng Tawad
Blg. 4: Hindi Itinadhana ng Diyos Sina Jacob, Esau, o Hudas (rs p. 409 ¶4–p. 410 ¶2)
Okt. 13 Pagbabasa ng Bibliya: Filipos 1-4–Colosas 1-4 Awit 123
Kalidad sa Pagsasalita: Makipagtulungan kay Jehova sa Pag-abot sa Puso ng mga Tao (be p. 262 ¶5)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Taga-Filipos at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 223-5 ¶1-7, 12-14)
Blg. 2: Filipos 3:1-16
Blg. 3: Sa Anong Paraan Itinadhana ang Kongregasyong Kristiyano? (rs p. 410 ¶3–p. 411 ¶1)
Blg. 4: a Mga Taga-Colosas—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 228 ¶12-14)
Okt. 20 Pagbabasa ng Bibliya: 1 Tesalonica 1-5–2 Tesalonica 1-3 Awit 161
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtatamo ng Tamang Oras (be p. 263 ¶1–p. 264 ¶4)
Blg. 1: Introduksiyon sa 1 at 2 Tesalonica at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 229-31 ¶1-5, 13-15; p. 232-3 ¶1-4, 10-11)
Blg. 2: 1 Tesalonica 1:1–2:8
Blg. 3: Ano ang Sinasabi ng Bibliya Hinggil sa Astrolohiya? (rs p. 411 ¶2–p. 412 ¶3)
Blg. 4: b 1 at 2 Timoteo—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 236-7 ¶15-19; p. 238-9 ¶10-12)
Okt. 27 Pagbabasa ng Bibliya: 1 Timoteo 1-6–2 Timoteo 1-4 Awit 69
Kalidad sa Pagsasalita: Mabisang Pagpapayo (be p. 265 ¶1-3)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Nob. 3 Pagbabasa ng Bibliya: Tito 1-3–Filemon 1-25 Awit 149
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapayo Salig sa Pag-ibig (be p. 266 ¶1-4)
Blg. 1: Introduksiyon sa Tito at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 239-41 ¶1-4, 8-10)
Blg. 2: Tito 1:1-16
Blg. 3: Ano ang Ilang Matitibay na Dahilan Upang Maniwala sa Diyos? (rs p. 126-7 ¶4)
Blg. 4: c Filemon—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 242-3 ¶7-10)
Nob. 10 Pagbabasa ng Bibliya: Hebreo 1-8 Awit 144
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapayo Salig sa Kasulatan (be p. 266 ¶5–p. 267 ¶1)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Hebreo (si p. 243-4 ¶1-9)
Blg. 2: Hebreo 3:1-19
Blg. 3: Ang Pag-iral ng Kasamaan at Paghihirap ay Hindi Patotoo na Walang Diyos (rs p. 127 ¶5–p. 128 ¶1)
Blg. 4: Mga Pagkakaiba ng Tunay at Huwad na Kapakumbabaan
Nob. 17 Pagbabasa ng Bibliya: Hebreo 9-13 Awit 28
Kalidad sa Pagsasalita: May Kalayaan sa Pagsasalita (be p. 267 ¶2-3)
Blg. 1: Mga Hebreo—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 247 ¶23-7)
Blg. 2: Hebreo 10:1-17
Blg. 3: Ang Diyos ay Isang Tunay na Persona na May Damdamin (rs p. 128 ¶2–p. 129 ¶2)
Blg. 4: Kung Paano Tumutulong sa Pagkakaisa ang Pagpapatawad
Nob. 24 Pagbabasa ng Bibliya: Santiago 1-5 Awit 88
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Bakit Mahalaga na Maging Nakapagpapatibay (be p. 268 ¶1-3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Santiago at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 248-50 ¶1-7, 15-17)
Blg. 2: Santiago 1:1-21
Blg. 3: Walang Pasimula ang Diyos (rs p. 129 ¶3-6)
Blg. 4: Kung Paanong ang “Awa ay Matagumpay na Nagbubunyi Laban sa Hatol” (Sant. 2:13)
Dis. 1 Pagbabasa ng Bibliya: 1 Pedro 1-5–2 Pedro 1-3 Awit 18
Kalidad sa Pagsasalita: Alalahanin Kung Ano ang Ginawa ni Jehova (be p. 268 ¶4–p. 269 ¶2)
Blg. 1: Introduksiyon sa 1 Pedro at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 251-3 ¶1-5, 11-13)
Blg. 2: 1 Pedro 2:1-17
Blg. 3: Mahalagang Gamitin ang Pangalan ng Diyos Upang Maligtas (rs p. 130 ¶1-4)
Blg. 4: d 2 Pedro—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 255 ¶8-10)
Dis. 8 Pagbabasa ng Bibliya: 1 Juan 1-5; 2Ju 1-13; 3Ju 1-14–Judas 1-25 Awit 50
Kalidad sa Pagsasalita: Ipakita Kung Paano Tinutulungan ni Jehova ang Kaniyang Bayan (be p. 269 ¶3-5)
Blg. 1: Introduksiyon sa 1, 2, at 3 Juan at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 256-8 ¶1-5, 11-13; p. 259 ¶1-3, 5; pp. 260-1 ¶1-3, 5)
Blg. 2: 1 Juan 4:1-16
Blg. 3: Mabuti ba ang Lahat ng Relihiyon? (rs p. 130 ¶5-8)
Blg. 4: e Judas—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 262-3 ¶8-10)
Dis. 15 Pagbabasa ng Bibliya: Apocalipsis 1-6 Awit 219
Kalidad sa Pagsasalita: Magpakita ng Kaluguran sa Ginagawa ng Diyos Ngayon (be p. 270 ¶1–p. 271 ¶2)
Blg. 1: Introduksiyon sa Apocalipsis (si p. 263-4 ¶1-6)
Blg. 2: Apocalipsis 3:1-13
Blg. 3: Anong Uri ng “Diyos” si Jesus? (rs p. 130 ¶9–p. 131 ¶1)
Blg. 4: Kung Bakit May Hangganan ang Pagtitiis at Awa
Dis. 22 Pagbabasa ng Bibliya: Apocalipsis 7-14 Awit 21
Kalidad sa Pagsasalita: Lubusang Makinabang sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo (be p. 5 ¶1–p. 8 ¶1)
Blg. 1: Apocalipsis—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 268-9 ¶28-34)
Blg. 2: Apocalipsis 8:1-13
Blg. 3: Sagot sa mga Pagtutol Tungkol sa Paniniwala sa Diyos (rs p. 131 ¶2–p. 132 ¶3)
Blg. 4: Ano ang Ibig Sabihin ng Pariralang ang “Diyos ay Mas Dakila Kaysa sa Ating mga Puso”? (1 Juan 3:20)
Dis. 29 Pagbabasa ng Bibliya: Apocalipsis 15-22 Awit 60
Kalidad sa Pagsasalita: Tumpak na Pagbabasa (be p. 83-84 ¶1)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
[Talababa]
a Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
b Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
c Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
d Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
e Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.