Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Pebrero 25, 2008. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Enero 7 hanggang Pebrero 25, 2008. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong magsaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Ano ang kailangan nating gawin upang tulungan ang mga tagapakinig na maunawaan ang kahulugan ng mga kasulatan, at bakit ito kailangang gawin? [be p. 228 par. 2-3]
2. Bakit mahalagang gawing nakapagtuturo sa ating mga tagapakinig ang ating mga presentasyon, at paano natin ito magagawa? [be p. 230 par. 3-5, kahon]
3. Paano makatutulong ang pagsasaliksik upang maging higit na nakapagtuturo ang ating mga pahayag? [be p. 231 par. 1-3]
4. Ano ang magagawa natin upang maging higit na nakapagtuturo ang paggamit natin ng pamilyar na mga kasulatan? [be p. 231 par. 4-5]
5. Bakit mahalagang mangatuwiran sa mga tekstong binabasa natin? [be p. 232 par. 3-4]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang nagpapahiwatig na isinulat ang aklat ng Mateo pangunahin na para sa mga Judio? [si p. 176 par. 6-7]
7. Paano natin maihahanda ang ating puso upang tumanggap ng instruksiyon mula sa Diyos na ibinibigay sa plataporma? (2 Cro. 20:33) [be p. 13 par. 4–p. 14 par. 4]
8. Ano ang maaaring gawin ng mga magulang upang sanayin ang kanilang mga anak na maging ‘marunong ukol sa kaligtasan’? (2 Tim. 3:15) [be p. 16 par. 3-4]
9. Paano itinatampok ng Ebanghelyo ni Mateo ang katuparan ng mga hula sa Bibliya? [si p. 181 par. 32]
10. Bagaman iniuulat ng Ebanghelyo ni Mateo si Jesus bilang ipinangakong Mesiyas at Hari, paano siya inilalarawan sa Ebanghelyo ni Marcos? [si p. 182 par. 7-8]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Mas mabigat bang kasalanan ang paglalabas ng galit kaysa sa pagkikimkim nito? (Mat. 5:21, 22) [w08 1/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Mateo”]
12. Paano pinananatili ng mga Kristiyano ang ‘simpleng mata’? (Mat. 6:22, 23) [w06 10/1 p. 29]
13. Ano ang punto ni Jesus nang itanong niya sa kaniyang mga alagad: “Nakuha ba ninyo ang diwa ng lahat ng mga bagay na ito?” (Mat. 13:51, 52) [w08 1/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Mateo”]
14. Bakit madalas na iniuutos ni Jesus sa mga pinagaling niya na “huwag siyang gawing hayag”? (Mat. 12:16) [w87 5/15 p. 9; cl p. 93-4]
15. Ano ang punto ni Jesus may kinalaman sa “panukat” na “ipinanunukat” ng isa? (Mar. 4:24, 25) [w80 12/15 p. 14; gt kab. 43]