Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Abril 28, 2008. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Marso 3 hanggang Abril 28, 2008.
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Bakit mahalagang buuin ang ating pahayag batay lamang sa iniatas na materyal, at paano natin ito gagawin? [be p. 234 par. 1–p. 235 par. 1]
2. Bakit napakahalaga ng mga tanong kapag nagtuturo tayo? [be p. 236 par. 1-5]
3. Paano makatutulong ang mga tanong upang makapangatuwiran sa isang paksa ang ating mga tagapakinig? [be p. 237 par. 3–p. 238 par. 1]
4. Kapag nagtuturo, bakit mahalaga ang mabisang paggamit ng mga tanong upang malaman ang niloloob ng ating tagapakinig? (Kaw. 20:5; Mat. 16:13-16; Juan 11:26) [be p. 238 par. 3-5]
5. Bakit mahalagang gumamit ng paghahalintulad, o simili, kapag nagtuturo? (Gen. 22:17; Jer. 13:11) [be p. 240 par. 1-3]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang ilang pumapatnubay na simulain na itinatampok sa aklat ng Marcos na tutulong upang makamit natin ang buhay sa ilalim ng Kaharian ng Diyos? [si p. 186 par. 32]
7. Paano tumutulong ang banal na espiritu sa mga lingkod ng Diyos sa ngayon? (Juan 14:25, 26) [be p. 19 par. 2-3]
8. Ano ang pinakamalaking pakinabang ng pagbabasa? [be p. 21 par. 3]
9. Ano ang nasasangkot sa pag-aaral? [be p. 27 par. 3–p. 28 par. 1]
10. Paano pinatitibay ng Ebanghelyo ni Lucas ang pagtitiwala na ang Hebreong Kasulatan ay kinasihan ng Diyos? [si p. 192 par. 30-1]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Bakit itinuwid ni Jesus ang isang lalaki nang tawagin Siya nitong “Mabuting Guro”? (Mar. 10:17, 18) [w08 2/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Marcos”]
2. Ginamit ni Jesus ang puno ng igos upang ilarawan ang ano tungkol sa bansang Israel? (Mar. 11:12-14, 20, 21) [w03 5/15 p. 26 par. 2-3]
13. Ano ang ipinahihiwatig ng mga salita ng anghel na si Gabriel nang sabihin niyang si Maria ay ‘maglilihi sa kaniyang bahay-bata’ dahil darating sa kaniya ang banal na espiritu ng Diyos at lililim sa kaniya ang kapangyarihan ng Diyos? (Luc. 1:30, 31, 34, 35) [w08 3/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Lucas”; it-2-E p. 56 par. 2]
14. Talaga bang ginagawa ng mga alagad ni Jesus “ang hindi kaayon ng kautusan kapag Sabbath”? (Luc. 6:1, 2) [gt 31]
15. Anong aral ang matututuhan mula sa payo ni Jesus kay Marta? (Luc. 10:40-42) [w99 9/1 p. 31]