Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/08 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 4/08 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Ang edisyong pampubliko ng Ang Bantayan kasama ang Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Pagsikapang makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.

◼ Ang mga tomo ng 2007 Watchtower at Awake! ay malapit nang makuha at maaari nang umorder ng mga ito sa tanggapang pansangay. Tandaan na ito ay mga special request item at makaoorder lamang nito kapag espesipikong hiniling ng mga mamamahayag. Kapag natanggap na ang mga order bago dumating ang mga tomo, mamarkahan ito ng “back-ordered” at ipadadala agad sa kongregasyon ang mga tomo kapag natanggap na ang mga ito mula sa sangay na naglilimbag.

◼ Dapat tiyakin ng mga kalihim ng kongregasyon na laging may sapat na suplay ng mga form na Application for Regular Pioneer Service (S-205) at Application for Auxiliary Pioneer Service (S-205b). Maaaring iorder ang mga ito sa pamamagitan ng Literature Request Form (S-14). Tiyaking may suplay para sa buong taon.

◼ Kailangang magkaroon ang tanggapang pansangay ng pinakabagong rekord ng mga adres at numero ng telepono ng lahat ng punong tagapangasiwa at kalihim. Kung may anumang pagbabago, dapat na punan, pirmahan, at ipadala kaagad ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang form na Presiding Overseer/Secretary Change of Address (S-29) sa tanggapang pansangay. Kalakip dito ang anumang pagbabago sa mga area code ng telepono.

◼ Kung kasama sa inyong personal na mga plano sa paglalakbay ang pagdalo sa mga pulong sa kongregasyon, asamblea, o pandistritong kombensiyon sa ibang lupain, ang inyong kahilingan para sa impormasyon may kaugnayan sa mga petsa, oras, at lugar ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay na nangangasiwa ng gawain sa lupaing iyon. Ang mga adres ng mga tanggapang pansangay ay nakalista sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share