Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/08 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Subtitulo
  • Linggo ng Abril 14
  • Linggo ng Abril 21
  • Linggo ng Abril 28
  • Linggo ng Mayo 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 4/08 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Abril 14

Awit 183

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Abril 1 ng Bantayan at ang Abril ng Gumising!

15 min: “Ipakita Ninyong Kayo ay Mapagpasalamat.”a Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa nabanggit na mga teksto.

20 min: “Nagawa Nilang Mas Makabuluhan ang Kanilang Buhay—Magagawa Mo Rin Ba?” Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod salig sa artikulo sa Ang Bantayan, isyu ng Enero 15, 2008, pahina 17-19. Ikapit ang mga punto sa kalagayan ng inyong kongregasyon upang maganyak ang mga kapatid na pag-isipang mabuti kung mapasisimple nila ang kanilang buhay at sa gayon ay magtamasa ng higit na mga pagpapala. Kung may panahon pa, kapanayamin ang isang kapatid na isa na ngayong payunir dahil pinasimple niya ang kaniyang buhay.

Awit 42

Linggo ng Abril 21

Awit 171

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Ipaalaala sa mga tagapakinig na dalhin ang Mayo 1 ng Bantayan at ang Mayo ng Gumising! sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo at maghanda para sa pagtalakay sa angkop na mga presentasyon sa inyong teritoryo.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Aliwin ang mga Nagdadalamhati.”b Anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng kanilang natatanging karanasan sa pagbibigay ng kaaliwan sa isang namatayan ng mahal sa buhay.

Awit 197

Linggo ng Abril 28

Awit 55

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Abril. Gamit ang Mayo 1 ng Bantayan at ang Mayo ng Gumising! magbigay ng maikling sumaryo ng bawat isyu at tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang makatatawag ng pansin ng mga tao sa teritoryo at kung bakit. Anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng mga presentasyon gamit ang mga artikulong balak nilang itampok. Ano ang maaaring itanong para makapagpasimula ng pag-uusap? Aling teksto sa Kasulatan na nasa artikulo ang maaaring basahin? Paano maiuugnay sa artikulo ang teksto? Gamit ang presentasyong iminungkahi ng tagapakinig o mga halimbawang presentasyon na nasa Ating Ministeryo sa Kaharian, itanghal kung paano iaalok ang bawat magasin.

15 min: Nagdudulot ng mga Pagpapala ang Pag-o-auxiliary Pioneer. (Kaw. 10:22) Anyayahan ang mga nag-auxiliary pioneer noong nakaraang mga buwan na ilahad kung paano nila naisaayos na magpayunir at kung ano ang naranasan nilang kagalakan at pagpapala dahil dito. Pasiglahin ang lahat na pag-isipan nang may pananalangin kung makapag-o-auxiliary pioneer sila sa Mayo. Patibayin din ang mga nakapag-auxiliary pioneer na pag-isipan kung makapaglilingkod sila bilang mga regular pioneer.

20 min: “Patibayin ang Iyong Pamilya sa Pamamagitan ng Nakalulugod na mga Salita.” Pahayag ng isang elder na may pamilya batay sa artikulo sa Bantayan, isyu ng Enero 1, 2008, pahina 10-12.

Awit 65

Linggo ng Mayo 5

Awit 217

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Hindi Ka sa Anumang Paraan Iiwan ni Jehova. Nakapagpapasiglang pahayag salig sa Bantayan ng Oktubre 15, 2005, pahina 8-11.

20 min: “Pasulungin ang Iyong Ministeryo.”c Kapag tinatalakay ang parapo 3, ilakip ang mga komento sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 6-8, sa ilalim ng subtitulong “Kung Paano Lubusang Makikinabang.”

Awit 11

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share