Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/08 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Subtitulo
  • Linggo ng Mayo 12
  • Linggo ng Mayo 19
  • Linggo ng Mayo 26
  • Linggo ng Hunyo 2
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 5/08 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Mayo 12

Awit 134

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Mayo 1 ng Bantayan at ang Mayo ng Gumising!

15 min: Mapagtatagumpayan Natin ang Anumang Pagsubok! Pahayag salig sa Bantayan ng Hunyo 15, 2005, pahina 30-1. Anyayahan ang mga piniling mamamahayag na magkomento kung paano sila tinulungan ni Jehova na mapagtagumpayan ang isang partikular na pagsubok.

20 min: Makapag-o-auxiliary Pioneer Ka ba sa Darating na mga Buwan? Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Repasuhin ang aklat na Organisado, pahina 112-13, kung saan binabanggit ang mga kahilingan para makapag-auxiliary pioneer. Sa parapo 1 ng pahina 113, sinasabi nito na “maaaring aprobahan ang mga mamamahayag bilang mga auxiliary pioneer nang di-kukulangin sa isang buwan, nang ilang sunud-sunod na buwan, o nang patuluyan, alinsunod sa kani-kanilang kalagayan.” Anyayahan ang mga nag-auxiliary pioneer noong Marso at Abril na nagpatuloy hanggang sa buwang ito na magkomento tungkol sa mga pagpapalang tinamasa nila. Paano nakatulong ang pag-o-auxiliary pioneer upang sumulong sila sa espirituwal? Anu-anong kagalakan ang tinamasa nila? Pinaplano ba nilang magpatuloy sa darating na mga buwan? Plano ba nilang gawin ito “nang patuluyan” o maging regular pioneer pa nga? Kung gayon, anyayahan silang magkomento kung bakit at kung paano nila gagawin ito. Bilang konklusyon, pasiglahin ang lahat ng kuwalipikado at nasa kalagayang magpayunir na subukan din ang pribilehiyong ito sa darating na mga buwan.

Awit 187

Linggo ng Mayo 19

Awit 47

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang “Tanong” sa pahina 3.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Maaari Kang Yumaman!”a Talakayin ang mga kuwalipikasyon para maging regular pioneer na makikita sa aklat na Organisado, pahina 113-14. Dapat isumite ng mga gustong magpayunir simula Setyembre 1 ang kanilang aplikasyon sa lalong madaling panahon.

Awit 206

Linggo ng Mayo 26

Awit 103

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Mayo. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Hunyo 1 ng Bantayan at ang Hunyo ng Gumising!

15 min: “Pasanin Ninyo ang Aking Pamatok.”b Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa nabanggit na mga teksto.

20 min: Ialok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya sa Hunyo. Pahayag at mga pagtatanghal. Repasuhin ang ilan sa mga halimbawang presentasyon sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, Enero 2006. Magkaroon ng dalawang pagtatanghal kung paano maaaring ialok ang aklat at kung paano magsasagawa ng pagdalaw-muli sa layuning makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.

Awit 169

Linggo ng Hunyo 2

Awit 221

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: Ang mga Taong May Tapat na mga Gawa ay Tatanggap ng Maraming Pagpapala. (Kaw. 28:20) Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig na gagampanan ng kalihim ng kongregasyon. Banggitin kung paano pinagpala ni Jehova ang mga pagsisikap ng kongregasyon na palawakin ang kanilang pakikibahagi sa larangan noong Marso, Abril, at Mayo, at magbigay ng komendasyon. Ipatalastas ang bilang ng mga nag-auxiliary pioneer, kung gaano karaming pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan, at ang iba pang magagandang bagay na naisagawa sa ministeryo. Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad ang kanilang mga karanasan may kaugnayan sa Memoryal at sa kampanya ng pamamahagi ng mga imbitasyon. Maaaring isadula ang natatanging mga karanasan. Kapanayamin sa maikli ang dalawa o tatlong mamamahayag tungkol sa mga pagpapalang natamasa nila bilang mga auxiliary pioneer.

15 min: “Maging Handa Para sa Bawat Mabuting Gawa.”c Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad kung paano at kailan sila naghahanda para sa ministeryo sa bahay-bahay.

Awit 44

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share