Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Hunyo 30, 2008. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Mayo 5 hanggang Hunyo 30, 2008. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong magsaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Ano ang maaari nating gawin upang tiyakin na nauunawaan ang mga ilustrasyon na ating ginagamit? [be p. 242 par. 4–p. 243 par. 1]
2. Bakit mabisa ang simpleng mga ilustrasyong salig sa pamilyar na mga situwasyon? [be p. 245 par. 2-4]
3. Bakit mahalaga na mabisang gamitin ang mga visual aid, at paano ginamit ni Jehova ang mga ito upang magturo ng mahahalagang aral? (Gen. 15:5; Jer. 18:6; Jon. 4:10, 11) [be p. 247 par. 1-2]
4. Paano natin magagamit ang mga visual aid upang mapahusay pa ang ating pagtuturo? [be p. 248 par. 1-3]
5. Paano natin magagamit ang mga mapa na mabisang visual aid kapag nagtuturo sa ating mga estudyante sa Bibliya? [be p. 248 par. 4]
ATAS BLG. 1
6. Sa tulong ng banal na espiritu ng Diyos, ano ang mauunawaan natin kapag nag-aaral tayo ng Bibliya? [be p. 32 par. 2-3]
7. Paano natin magagamit ang Bibliya mismo upang saliksikin ang kahulugan ng isang teksto? [be p. 34 par. 4–p. 35 par. 2]
8. Paano itinatampok sa Ebanghelyo ni Juan ang papel na ginagampanan ni Jesus sa layunin ni Jehova na pagpalain ang sangkatauhan? [si p. 198 par. 32]
9. Ano ang maka-Kasulatang saligan upang kilalaning ang manggagamot na si Lucas ang sumulat ng aklat ng Mga Gawa? [si p. 199 par. 3; p. 200 par. 5-7]
10. Anong mga hakbang ang karaniwan nang maaaring sundin ng isa kapag gumagawa ng balangkas ng isang pahayag? [be p. 39-41]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Aling templo ang “itinayo sa loob ng apatnapu’t anim na taon”? (Juan 2:20) [w08 4/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Juan”]
12. Sino ang mga ‘tumatawid na mula sa kamatayan tungo sa buhay’? (Juan 5:24, 25) [w08 4/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Juan”]
13. Kapag tumutukoy sa katulong, o sa espiritu ng katotohanan, bakit ang panghalip na “iyon” ang ginamit sa Juan 14:16, 17, samantalang “siya” at “niya” naman ang ginamit sa Juan 16:7, 8, 13, 14? [w08 4/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Juan”]
14. Bakit sinabi ni Jesus kay Maria Magdalena na huwag itong kumapit sa kaniya? (Juan 20:17) [w08 4/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Juan”]
15. Ano ang ibig sabihin ng pagparito ni Jesus “sa katulad na paraan” ng kaniyang pag-akyat sa langit? (Gawa 1:9-11) [rs p. 269 par. 5; it-1-E p. 186 par. 8]