Mga Patalastas
◼ Alok na literatura para sa Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinmang brosyur; gayunman, makabubuting laging magdala ng brosyur na Hinihiling upang magkaroon ng pagkakataong makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Gumawa ng pantanging pagsisikap upang makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Kung may ganito nang publikasyon ang mga may-bahay, ipakita kung paano sila makikinabang dito sa pamamagitan ng maikling pagtatanghal ng isang pag-aaral sa Bibliya.
◼ Yamang ang Agosto ay may limang Sabado at limang Linggo, napakagandang buwan ito upang mag-auxiliary pioneer.
◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang mga kuwenta ng kongregasyon para sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Hindi dapat gamitin ang kapatid ding iyon sa magkasunod na audit. Kapag natapos na ang audit, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon pagkatapos basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Iminumungkahi na ang mga aplikasyon para sa paglilingkod bilang regular pioneer ay ipadala sa tanggapang pansangay nang di-kukulangin sa 30 araw bago ang napiling petsa ng pagpapasimula. Dapat repasuhin ng kalihim ng kongregasyon ang mga form upang matiyak na ang mga ito ay kumpletong napunan. Kung hindi maalaala ng mga aplikante ang eksaktong petsa ng kanilang bautismo, dapat nilang tantiyahin ang petsa at tandaan ito bilang petsa ng kanilang bautismo. Dapat itala ng kalihim ang petsang ito sa Congregation’s Publisher Record (S-21) card.