Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Hulyo 14
10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Hulyo 1 ng Bantayan at ang Hulyo ng Gumising!
15 min: Mayroon Ka Bang “Kalayaan sa Pagsasalita”? Pahayag batay sa Mayo 15, 2006 ng Bantayan, pahina 13-16. Idiin ang kahalagahan ng pangangaral nang may katapangan.
20 min: “Mamuhay na Isinasaisip ang Araw ni Jehova.”a Banggitin ang natatanging mga bahagi ng publikasyon. Repasuhin ang iskedyul para sa pag-aaral sa aklat at ang mga tagubiling nasa pahina 3 ng isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na maging regular sa pagdalo at makibahagi nang lubusan sa pagkokomento. Kapanayamin sa maikli ang isa o dalawang mamamahayag na kilalang patiunang naghahanda para sa mga pulong at itanong kung ano ang nag-uudyok sa kanila na gawin iyon.
Linggo ng Hulyo 21
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipaalaala sa mga tagapakinig na dalhin ang Agosto 1 ng Bantayan at ang Agosto ng Gumising! sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo at maghandang talakayin ang angkop na mga presentasyon sa inyong teritoryo.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Paghahanda—Susi sa Mahusay na Pagdalaw-Muli.”b Ilakip ang isang apat-na-minutong pakikipag-usap sa sarili ng isang mamamahayag na naghahanda bago siya dumalaw-muli. Rerepasuhin niya ang kaniyang mga nota at titiyakin niyang dadalawin ang dalawang indibiduwal sa dulo ng sanlinggong ito. Pagkatapos, para sa bawat isa sa kanila, isasaalang-alang niya ang pinag-usapan nila noon, aalamin ang kaniyang layunin, at ihahanda kung paano niya maisasagawa ang kaniyang layunin. Para sa isa, maghahanda siyang mag-alok ng isang pag-aaral sa Bibliya. Sa isa naman, maghahanda siya para linangin ang interes gamit ang isang mungkahi sa parapo 5.
Linggo ng Hulyo 28
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod para sa Hulyo. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Banggitin ang alok na literatura para sa Agosto, at magkaroon ng isang pagtatanghal.
15 min: Panatilihin ang Pagkadama ng Pagkaapurahan. Masiglang pahayag batay sa Disyembre 15, 2006 ng Bantayan, pahina 18-19, parapo 17-21.
20 min: Maghanda Upang Ialok ang Bagong mga Magasin. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Pagkatapos banggitin ang maikling sumaryo ng Agosto ng Gumising! at ang Agosto 1 ng Bantayan, tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang maaaring maging kaakit-akit sa mga tao sa inyong teritoryo at kung bakit. Anyayahan ang mga tagapakinig na bumanggit ng espesipikong mga punto sa mga artikulong balak nilang itampok. Ano ang maaaring itanong upang simulan ang pag-uusap? Aling teksto sa artikulo ang maaaring basahin? Gamit ang isa sa mga presentasyong iminungkahi sa Ating Ministeryo sa Kaharian o isang presentasyong iminungkahi ng mga tagapakinig, itanghal kung paano iaalok ang bawat magasin.
Linggo ng Agosto 4
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Handa ba ang Inyong mga Anak sa Kanilang Natatanging Teritoryo? Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Banggitin ang ilan sa mga hamong nakakaharap ng mga kabataang Kristiyano sa paaralan. Ipaliwanag kung paano maaaring gamitin ng mga magulang at ng kanilang mga anak ang Watch Tower Publications Index upang hanapin ang kapaki-pakinabang na mga impormasyon. Magbigay ng ilang halimbawa. (Tingnan ang pangunahing uluhan na “Schools,” at ang subtitulong “experiences.”) Anyayahang magkomento ang mga tagapakinig na pinalaki sa mga sambahayang Kristiyano kung paano sila inihanda ng kanilang mga magulang na harapin ang mga hamon at ikapit ang mga simulain ng Bibliya sa paaralan. Maaari din nilang banggitin ang mga report sa paaralan na inihanda nila hinggil sa mga paksang nasa Gumising! Tanungin sila kung paanong ang pangangaral sa paaralan ay nagsisilbing isang proteksiyon.
20 min: “Itinitiwarik Natin ang mga Bagay na Matibay ang Pagkakatatag.”c Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano sila matiyagang tinulungan ng kanilang guro sa Bibliya para talikuran ang huwad na mga relihiyosong paniniwala na matibay nilang pinaniniwalaan.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.