Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Agosto 25, 2008. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Hulyo 7 hanggang Agosto 25, 2008.
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Paano natin maipapakita ang pagkamakatuwiran kapag ibinabahagi ang katotohanan sa iba? (Fil. 4:5) [be p. 251 par. 3]
2. Paano makatutulong ang halimbawa ni Pablo sa pakikipag-usap sa mga Griego sa Areopago kapag tayo ay nagpapatotoo sa mga hindi kumikilala sa Bibliya bilang awtoridad? (Gawa 17:22, 23) [be p. 252 par. 1-2]
3. Bagaman maaaring kumbinsido tayong mali ang ating kausap, paano natin maipapakita ang pagkamakatuwiran sa pakikitungo sa kaniya? [be p. 253 par. 1-2]
4. Ano ang dapat nating tandaan sa ating pagsisikap na magsalita nang may panghihikayat? [be p. 255 par. 3, kahon]
5. Paano natin magagamit ang kaunawaan kapag sinisikap nating maabot ang puso ng isang tagapakinig? (Kaw. 20:5) [be p. 258 par. 1-5]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang dapat isaisip ng mga sister kapag pumipili ng tagpo? [be p. 44 par. 5-6]
7. Ano ang dapat gawin ng mga brother kapag inihaharap ang mga tampok na bahagi sa Bibliya? (Neh. 8:8) [be p. 47 par. 2-3]
8. Ano ang dapat gawin ng isang brother kung binigyan siya ng atas sa Pulong sa Paglilingkod na humihiling ng isang pagtatanghal o panayam? [be p. 49 par. 5]
9. Paano itinatampok ng aklat ng Mga Gawa ang paraan at lawak ng gawaing pagpapatotoo? (Gawa 20:20, 21; 28:23) [si p. 204 par. 35]
10. Ano ang magagawa ng isang tagapagsalita sa madla para matiyak na ang Bibliya ang batayan ng kaniyang pahayag? (Gawa 17:2, 3) [be p. 52 par. 6–p. 53 par. 2]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Bakit gustong “magpakamatay” ng tagapagbilanggo na taga-Filipos? (Gawa 16:25-27) [w90 5/15 p. 25, kahon]
12. Ano ang naging reaksiyon nina Aristarco at Gayo nang mapaharap sila sa pag-uusig? (Gawa 19:29; 20:4, 5) [w08 2/15 p. 10 par. 16-17]
13. Ano ang ibig sabihin ng “pagsipa [ni Saul] sa mga tungkod na pantaboy”? (Gawa 26:14) [w03 10/1 p. 32]
14. Paano ‘tumanggap ng pangganyak ang kasalanan’ sa pamamagitan ng utos ng Diyos sa Israel? (Roma 7:8, 11) [w08 6/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Liham sa mga Taga-Roma”]
15. Paano tayo “magbubunton ng maaapoy na baga” sa ulo ng isang kaaway? (Roma 12:20) [w08 6/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa Liham sa mga Taga-Roma”]