Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/08 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 8/08 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura para sa Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Gumawa ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Kung may ganito nang publikasyon ang may-bahay, ipakita sa pamamagitan ng maikling pagtatanghal ng pag-aaral sa Bibliya kung paano sila makikinabang dito. Oktubre 1-19: Mga magasing Bantayan at Gumising! Oktubre 20–Nobyembre 16: Pantanging pamamahagi ng tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Nobyembre 17-30: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.

◼ Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10) kalakip ng statement ng Hunyo. Pupunan ng kalihim ng kongregasyon ang form na ito nang tumpak at malinis. Pagkatapos, dapat itong maingat na suriin ng komite sa paglilingkod. Itatala sa likod ng form na ito ang lahat ng regular pioneer, pati na ang kabuuang oras nila para sa taon ng paglilingkod. Ang orihinal na kopya ng form na ito ay ipadadala sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6, 2008. Ingatan ang ekstrang kopya para sa inyong rekord.

◼ Dapat nang ipadala ngayon sa tanggapang pansangay ang mga order para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2008 at 2008 Calendar. Magpapadala kami ng special order blank para sa dalawang ito kasama ang buwanang statement. Kung mahigit sa isang kongregasyon ang gumagamit ng Kingdom Hall, ang order ng bawat kongregasyon ay kokolektahin ng literature coordinator at pagsasama-samahin sa isang order blank na ipadadala sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Agosto 15, 2008.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share