Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/08 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Subtitulo
  • Linggo ng Agosto 11
  • Linggo ng Agosto 18
  • Linggo ng Agosto 25
  • Linggo ng Setyembre 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 8/08 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Agosto 11

Awit 63

10 min: Lokal na mga patalastas. Tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo sa bagong mga magasin ang nakita nilang kaakit-akit sa mga tao sa inyong teritoryo. Anyayahan ang mga tagapakinig na bumanggit ng espesipikong mga punto sa mga artikulong balak nilang itampok. Ano ang maaaring itanong para makapagpasimula ng pag-uusap? Aling teksto sa artikulo ang maaaring basahin? Magsaayos ng mga pagtatanghal kung paano maaaring gamitin ang mga iminungkahing presentasyon.

15 min: Gawin ang Kalooban ng Diyos—Nang Walang Pang-abala. Pahayag batay sa aklat na “Halika Maging Tagasunod Kita,” pahina 93-94, parapo 12-13.

20 min: “Ginagamit Mo ba Ito Nang Lubusan?”a Kapanayamin ang isang mamamahayag na may karanasan sa paggamit ng isa sa mga bagong bahagi ng edisyong pampubliko ng Ang Bantayan. Maaaring isadula ang karanasan. Gayundin, batay sa parapo 2, itanghal kung paano makapagpapasimula ng isang pag-aaral gamit ang bahaging “Kung Ano ang Matututuhan Natin Mula kay Jesus,” sa Agosto 1 ng Bantayan.

Awit 26

Linggo ng Agosto 18

Awit 135

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipaalaala sa mga tagapakinig na dalhin ang Setyembre 1 ng Bantayan at ang Setyembre ng Gumising! sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo at maghanda sa pagtalakay ng angkop na mga presentasyon sa inyong teritoryo.

15 min: Nagpaparangal kay Jehova ang Ating Pananamit at Pag-aayos. Pahayag ng isang elder. Dahil si Jehova ay isang banal na Diyos, napakahalaga ng pisikal na kalinisan para sa kaniyang bayan. (Ex. 30:17-21; 40:30-32) Kapag huwaran tayo sa pananamit at pag-aayos, lalo na sa ating ministeryo, napalulugdan natin at naluluwalhati si Jehova. (1 Ped. 2:12) Sa kabilang banda, kapag hindi tayo maingat sa ating pananamit at pag-aayos, maaari itong maging dahilan upang ‘ang Salita ng Diyos ay mapagsalitaan nang may pang-aabuso.’ (Tito 2:5) Maglahad ng mga karanasan sa inyong lugar o mula sa mga publikasyon kung paano nakapagpatotoo ang isang mamamahayag dahil sa kaniyang huwarang pananamit at pag-aayos.

20 min: “Maingat Ninyong Sundan ang Kaniyang mga Yapak.”b Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na komentuhan ang binanggit na mga teksto.

Awit 61

Linggo ng Agosto 25

Awit 24

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: Maghanda Upang Ialok ang Setyembre 1 ng Bantayan at Setyembre ng Gumising! Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Magbigay ng maikling sumaryo ng mga magasin, saka tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang maaaring maging kaakit-akit sa mga tao sa inyong teritoryo. Anong tanong at teksto ang maaaring gamitin upang iharap ang paksa? Ipakita kung paano maaaring gamitin ang presentasyong iminungkahi sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Itatanghal ng isang elder ang maikling presentasyon na inihanda niya batay sa isang artikulong angkop sa inyong teritoryo.

Awit 196

Linggo ng Setyembre 1

Awit 112

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod para sa Agosto.

20 min: Nakabukod Pero Hindi Nalilimutan. Pahayag batay sa Abril 15, 2008 ng Bantayan, pahina 25-28. Banggitin ang mga kapatid sa kongregasyon na nakatira sa mga nursing home sa inyong lugar. Kung wala, gamitin ang mga simulain sa artikulo upang pasiglahin ang mga kapatid na suportahan ang sinumang mahina ang kalusugan o kaya’y limitado ang kakayahang makibahagi sa gawain ng kongregasyon.

15 min: Magpasimula ng Isang Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Pagdalaw sa Buwan ng Setyembre. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Sa buwan ng Setyembre, iaalok natin ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sisikaping talakayin ang ilang parapo sa may-bahay sa unang pagdalaw. Repasuhin ang mga mungkahi sa insert ng Enero 2006 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Magkaroon ng isa o dalawang pagtatanghal kung paano magpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw.

Awit 74

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share