Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/08 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Subtitulo
  • Linggo ng Setyembre 8
  • Linggo ng Setyembre 15
  • Linggo ng Setyembre 22
  • Linggo ng Setyembre 29
  • Linggo ng Oktubre 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 9/08 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Setyembre 8

Awit 204

10 min: Lokal na mga patalastas. Maghanda upang ialok ang bagong mga magasin. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4, magsaayos ng mga pagtatanghal na nagpapakita kung paano iaalok ang Setyembre 1 ng Bantayan at ang Setyembre ng Gumising!

15 min: Tulungan ang mga Estudyante sa Bibliya na Maging mga Guro. Pahayag salig sa Enero 15, 2007 ng Bantayan, pahina 29-30, parapo 14-20.

20 min: Kung Paano Natin Haharapin sa Ating Ministeryo ang Pagtatangi ng mga Tao. Pahayag ng isang elder salig sa inilathalang impormasyon hinggil sa kung paano nakaaapekto sa ating ministeryo ang pagtatangi ng mga tao. Ipaliwanag kung paano haharapin ang gayong pagtatangi. Kung minsan, malaki ang maitutulong ng ating paggawi upang maharap natin ang pagtatangi ng mga nagmamasid at matulungan silang tumanggap ng katotohanan. Kaya napakahalagang bantayan natin ang ating pananalita at paggawi sa lahat ng panahon. (1 Ped. 2:12; 3:1, 2) Hilingan ang mga tagapakinig na maglahad ng ilang nakapagpapatibay na karanasan sa inyong kongregasyon na nagpapakita kung paano haharapin ang pagtatangi.

Awit 127

Linggo ng Setyembre 15

Awit 94

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

20 min: Ano ang Nagawa Natin Noong Nakaraang Taon? Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang mga gawain ng kongregasyon sa nakalipas na taon ng paglilingkod, at magtuon ng pansin sa nakapagpapasiglang mga bagay na nagawa. Magbigay ng angkop na komendasyon. Bumanggit ng isa o dalawang bagay na maaaring pasulungin ng kongregasyon sa susunod na taon, at magbigay ng praktikal na mga mungkahi para magawa ito.

15 min: Paano Ko Maipagtatanggol ang Aking Paniniwala sa Paglalang? Pahayag salig sa Setyembre 2006 ng Gumising!, pahina 26-28. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano nila ipinagtanggol ang kanilang paniniwala sa paglalang habang sila ay nasa paaralan, trabaho, o iba pang lugar.

Awit 51

Linggo ng Setyembre 22

Awit 104

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Talakayin ang sulat ng sangay na nasa pahina 1.

20 min: May Gantimpala Para sa Iyong Gawa. Pahayag salig sa Abril 15, 2005 ng Bantayan, mula parapo 6 ng pahina 28 hanggang sa huling parapo ng pahina 29.

15 min: Maghanda Upang Ialok ang Oktubre 1 ng Bantayan at ang Oktubre ng Gumising! Gamit ang mga presentasyon sa pahina 4, itanghal kung paano maaaring ialok ang bawat magasin.

Awit 190

Linggo ng Setyembre 29

Awit 45

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Setyembre.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Pantanging Kampanya sa Tract Oktubre 20–Nobyembre 16!”a Kung mayroon nang mga tract, bigyan ang mga tagapakinig ng tig-iisang kopya. Repasuhin sa maikli ang nilalaman ng tract kapag tinatalakay ang parapo 2. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, itanghal kung paano iaalok ang tract sa may-bahay. Kapag tinatalakay naman ang parapo 5, magkaroon ng pagtatanghal na nagpapakitang ginamit ng isang mamamahayag ang tract para makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa kaniyang pagdalaw-muli.

Awit 9

Linggo ng Oktubre 6

Awit 15

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: “Tanong.” Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Ilakip ang mga komento mula sa Hunyo 15, 2005 ng Bantayan, pahina 20-22, parapo 10-16.

20 min: “Turuan ang Iba na Ibigin si Jehova.”b Kung may panahon pa, anyayahang magkomento ang mga tagapakinig sa nabanggit na mga teksto.

Awit 132

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share