Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
PANSININ: Isang Pulong sa Paglilingkod ang nakaiskedyul sa Ating Ministeryo sa Kaharian para sa bawat linggo sa mga buwan ng kombensiyon. Maaari itong baguhin ng mga kongregasyon kung kinakailangan upang makadalo sa “Ginagabayan ng Espiritu ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon. Kung angkop, gamitin ang 15 minuto sa huling Pulong sa Paglilingkod bago dumalo sa kombensiyon upang ulitin ang payo at mga paalaala mula sa insert sa buwang ito na kapit sa inyong lugar. Pagkaraan ng isa o dalawang buwan pagkatapos ng inyong kombensiyon, maglaan ng 15 hanggang 20 minuto sa Pulong sa Paglilingkod (marahil ay ginagamit ang bahagi ng lokal na mga pangangailangan) para sa repaso ng mga punto sa kombensiyon na nakita ng mga mamamahayag na makatutulong sa ministeryo. Ang tagapangasiwa sa paglilingkod ang dapat mangasiwa sa repaso.
Linggo ng Oktubre 13
10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang mga kaayusan ng inyong kongregasyon para sa pantanging pamamahagi ng tract na sisimulan sa Oktubre 20, at himukin ang lahat na kumuha ng ipamamahagi nilang tract kung wala pa sila nito. Repasuhin sa maikli ang mungkahing mga presentasyon para sa Oktubre 1 ng Bantayan at Oktubre ng Gumising! na nasa pahina 8. Yamang maraming mamamahayag ang nakapag-alok na ng mga magasing ito sa nakaraang mga linggo, anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng kanilang karanasan sa pag-aalok ng mga magasing ito.
35 min: “Bagong Iskedyul ng Pulong ng Kongregasyon.”a Kung may panahon pa, basahin ang nabanggit na mga teksto at anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mga ito.
Linggo ng Oktubre 20
5 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
30 min: “Isang Okasyon Upang Pakainin ni Jehova at Magsaya.”b Gagampanan ng kalihim ng kongregasyon. Banggitin ang kombensiyong nakaatas sa kongregasyon. Repasuhin ang kahong “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon.”
10 min: Maghanda Upang Ialok ang Nobyembre 1 ng Bantayan at ang Nobyembre ng Gumising! Matapos magbigay ng maikling sumaryo ng mga magasin, tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang sa tingin nila ay mas makatatawag-pansin sa mga tao sa inyong teritoryo at kung bakit makatatawag-pansin ang mga artikulong iyon. Anyayahan ang mga tagapakinig na magbigay ng angkop na mga tanong na plano nilang gamitin upang mapasimulan ang isang pag-uusap, at teksto mula sa artikulo na gagamitin nila bago ialok ang mga magasin. Magtatapos ang tagapagsalita sa pamamagitan ng pagtatanghal kung paano iaalok ang bawat magasin, gamit ang mungkahing presentasyon sa pahina 8.
Linggo ng Oktubre 27
5 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
30 min: “Napakahalaga ng Personal at Pampamilyang Pag-aaral sa Bibliya!”c Kung may panahon pa, basahin ang nabanggit na mga teksto at anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mga ito.
Linggo ng Nobyembre 3
15 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Oktubre. Gayundin, ang pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig hinggil sa “Tanong” sa pahina 3.
15 min: Panatilihin ang Inyong Kagalakan sa Ministeryo. Nakapagpapatibay na pahayag salig sa Ang Bantayan, Hulyo 1, 2005, pahina 24-25, parapo 11-17. Kapanayamin ang isa o dalawang matagal nang tapat na lingkod ni Jehova. Ano ang nakatulong sa kanila na mapanatili ang kanilang kagalakan sa kabila ng kawalang-interes ng mga tao?
15 min: Pasulungin ang Inyong “Sining ng Pagtuturo.” Iisa-isahin at kokomentuhan sa maikli ng tagapangasiwa sa paglilingkod o ng iba pang kuwalipikadong elder ang limang susing punto na kailangan sa epektibong pagtuturo na tinatalakay sa Bantayan ng Enero 15, 2008, pahina 9-12, parapo 5-18. Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na nakadaramang nakatulong sa kanila ang impormasyong ito upang mapasulong ang kakayahan nilang magturo.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.