Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre 1-16: Pantanging pamamahagi ng tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Nobyembre 17-30: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Disyembre: Ialok ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kapag sinabi ng may-bahay na mayroon silang anak, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Enero: Ialok ang lumang mga aklat na nasa stock ng kongregasyon, gaya ng Kaalaman, Mabuhay Magpakailanman, o Nagkakaisa sa Pagsamba. Maaari ding ialok ang anumang aklat na inilathala bago 1991. Kung wala kayong lumang mga aklat sa inyong stock, ialok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Pebrero: Ialok ang alinman sa sumusunod kung makukuha ito sa inyong kongregasyon, Is There a Creator Who Cares About You?, Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, o Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
◼ Paalaala sa punong tagapangasiwa at tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo: Ang bagong iskedyul ng pulong ng kongregasyon ay magsisimula sa linggo ng Disyembre 29, 2008, at ang binagong iskedyul na ito ay makikita sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Disyembre 2008. Kapag pinangangasiwaan ang Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggong iyon, pakisuyong sundin ang mga tagubiling nasa insert na Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2009, sa ilalim ng subtitulong Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Hindi na tatalakayin ang kalidad sa pagsasalita sa gabing iyon.
◼ Ang mga donasyon sa pamamagitan ng tseke para sa pambuong-daigdig na gawain na ibinibigay sa mga pandistritong kombensiyon o tuwirang ipinadadala sa tanggapang pansangay ay dapat ipangalan sa “Watch Tower Society.”
◼ Ang programa sa video na No Blood—Medicine Meets the Challenge ay tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa Enero. Kung kinakailangan, dapat mag-order ng mga kopya nito sa pamamagitan ng kongregasyon sa lalong madaling panahon.
◼ Simula sa Enero 1, 2009, ang katawagang “punong tagapangasiwa” ay hindi na gagamitin. Sa halip, ang atas na ito ay tatawagin nang “koordineytor ng lupon ng matatanda.”