Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2009
MGA TAGUBILIN
Narito ang kaayusan sa pagdaraos ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa taóng 2009.
PINAGKUNANG MATERYAL: Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan [bi12], “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (Edisyon ng 1990) [si], Matuto Mula sa Dakilang Guro [lr], at Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan (Edisyon ng 1989) [rs].
Ang paaralan ay dapat magsimula nang EKSAKTO SA ORAS sa pamamagitan ng malugod na pagtanggap sa lahat, at magpatuloy gaya ng nakabalangkas sa ibaba. Pagkatapos ng bawat bahagi, sasabihin ng tagapangasiwa ng paaralan ang susunod na bahagi.
MGA TAMPOK NA BAHAGI SA PAGBABASA NG BIBLIYA: 10 minuto. Sa unang apat na minuto, dapat talakayin ng isang kuwalipikadong elder o ministeryal na lingkod ang mga punto sa Kasulatan mula sa lingguhang pagbabasa ng Bibliya, maliban na lamang kung ang lingguhang pagbabasa ng Bibliya ay magsisimula sa unang kabanata ng isang aklat ng Bibliya. Kapag ang unang mga kabanata ng isang aklat sa Bibliya ang tatalakayin, ang materyal para sa mga tampok na bahagi sa Bibliya ay dapat kunin sa aklat na “Lahat ng Kasulatan.” Halimbawa, tatalakayin ang unang limang kabanata ng Genesis sa linggo ng Enero 5, kaya dapat pumili ang tagapagsalita ng ilang susing punto mula sa panimulang mga parapo sa aklat ng Genesis na nasa aklat na “Lahat ng Kasulatan.” Dapat niyang ikapit ang materyal sa paraang kapaki-pakinabang sa kongregasyon. Kapag tinatalakay ang lingguhang pagbabasa ng Bibliya o ang mga punto mula sa aklat na “Lahat ng Kasulatan,” ang pangunahing tunguhin ay tulungan ang mga tagapakinig na pahalagahan kung bakit at kung paano mapapakinabangan ang impormasyon. Dapat maging maingat ang tagapagsalita na huwag lumampas sa apat na minutong inilaan para sa pambungad na bahagi. Dapat niyang tiyakin na maglaan ng anim na minuto sa mga tagapakinig para magbigay ng maiikling komento na 30 segundo o mas maikli pa tungkol sa napahalagahan nila sa pagbabasa ng Bibliya. Pagkatapos, papupuntahin na ng tagapangasiwa ng paaralan ang mga estudyanteng naatasan sa ibang silid-aralan.
ATAS BLG. 1: 4 na minuto o mas maikli pa. Ito ay pagbabasa ng isang brother. Ang iniatas na materyal ay dapat basahin ng estudyante nang walang introduksiyon o konklusyon. Ang tagapangasiwa ng paaralan ay magbibigay-pansin lalo na sa pagtulong sa mga estudyante na bumasa nang natural, matatas, may unawa, may wastong pagdiriin sa mga susing salita, may pagbabagu-bago ng tono ng boses, at may angkop na sandaling paghinto.
ATAS BLG. 2: 5 minuto. Iaatas ito sa isang sister. Ang estudyante ay aatasan ng isang tagpo o kaya’y pipili nito mula sa talaang makikita sa pahina 82 ng Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Dapat gamitin ng estudyante ang iniatas na tema at ikapit ito sa isang pitak ng paglilingkod sa larangan na makatotohanan at praktikal sa inyong teritoryo. Kapag walang ibinigay na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, ang estudyante ay kailangang magsaliksik sa ating mga publikasyon upang makakuha ng materyal para sa bahaging ito. Ang tagapangasiwa ng paaralan ay magbibigay-pansin lalo na sa kung paano binuo ng estudyante ang materyal at kung paano niya tinulungan ang may-bahay na mangatuwiran mula sa Kasulatan at maunawaan ang mga susing punto sa pagtatanghal. Mag-aatas ng isang kasama ang tagapangasiwa ng paaralan.
ATAS BLG. 3: 5 minuto. Maaari itong iatas sa isang brother o sister. Dapat buuin ng estudyante ang iniatas na tema. Kapag walang ibinigay na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, ang estudyante ay kailangang magsaliksik sa ating mga publikasyon upang makakuha ng materyal para sa bahaging ito. Kapag iniatas sa isang brother, ang bahaging ito ay dapat iharap bilang pahayag sa mga tagapakinig sa Kingdom Hall. Kapag sa isang sister naman ibinigay ang atas na ito, dapat itong iharap lagi gaya ng nakabalangkas sa Atas Blg. 2. Pakisuyong pansinin na ang mga paksang may asterisk ay dapat iatas lagi sa mga brother upang iharap bilang pahayag, at kapag angkop, sa isang elder o ministeryal na lingkod.
PAYO: 1-2 minuto. Hindi patiunang babanggitin sa plataporma ng tagapangasiwa ng paaralan kung anong kalidad sa pagsasalita ang ikakapit ng estudyante. Pagkatapos ng Atas Blg. 1, Blg. 2, at Blg. 3, ang tagapangasiwa ng paaralan ay magbibigay ng magagandang obserbasyon tungkol sa isang aspekto ng pahayag na dapat bigyan ng komendasyon, anupat nagtutuon ng pansin sa espesipikong mga dahilan kung bakit ito mabisa. Madalas din siyang sisipi ng mga punto mula sa aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. Depende sa pangangailangan ng bawat estudyante, maaaring magbigay ng karagdagang nakapagpapatibay na payo sa pribadong paraan pagkatapos ng pulong o sa ibang panahon.
ORAS: Hindi dapat lumampas sa oras ang mga pahayag, pati na ang mga komento ng tagapayo. Ang Atas Blg. 1, Blg. 2, at Blg. 3 ay dapat na mataktikang patigilin kapag lampas na sa oras. Kapag lumampas sa oras ang mga brother na tumatalakay sa mga tampok na bahagi sa pagbabasa ng Bibliya, dapat silang bigyan ng pribadong payo. Dapat bantayang mabuti ng lahat ang kanilang oras. Kabuuang programa: 30 minuto.
TALAAN NG PAYO: Nasa aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo.
KATULONG NA TAGAPAYO: Maaaring pumili ang lupon ng matatanda ng isang may-kakayahang elder, kung mayroon bukod sa tagapangasiwa ng paaralan, upang humawak ng atas bilang katulong na tagapayo. Kung maraming elder sa kongregasyon, maaaring gampanan ng iba’t ibang kuwalipikadong elder ang atas na ito taun-taon. Pananagutan ng katulong na tagapayo na magbigay ng pribadong payo, kung kinakailangan, sa mga kapatid na naghaharap ng mga tampok na bahagi sa Bibliya. Hindi siya kailangang magbigay ng payo sa tuwing matatapos ang bawat pahayag ng kaniyang mga kapuwa elder o ng mga ministeryal na lingkod.
REPASO SA PAARALANG TEOKRATIKO UKOL SA MINISTERYO: 20 minuto. Tuwing ikalawang buwan, magdaraos ng repaso ang tagapangasiwa ng paaralan. Susunod ito matapos talakayin ang mga tampok na bahagi sa pagbabasa ng Bibliya gaya ng nakabalangkas sa itaas. Ang repaso ay ibabatay sa materyal na tinalakay sa paaralan sa nakalipas na dalawang buwan, lakip na ang kasalukuyang linggo. Kung ang inyong kongregasyon ay may pansirkitong asamblea o dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa linggo ng Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, ang repaso ay gagawin sa kasunod na linggo at ang Atas Blg. 1, Blg. 2, at Blg. 3 ng iskedyul ng kasunod na linggo muna ang gagamitin. Walang dapat baguhin sa iskedyul ng lingguhang pagbabasa ng Bibliya o ng paghaharap ng mga tampok na bahagi sa Bibliya.
Iskedyul
Ene. 5 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 1-5
Blg. 1: Genesis 3:1-15
Blg. 2: Kung Bakit si Jesus ay Isang Dakilang Guro (lr kab. 1)
Blg. 3: Ano ang May Kabuluhan? (1 Cor. 15:58)
Ene. 12 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 6-10
Blg. 1: Genesis 9:1-17
Blg. 2: Sagot sa mga Pagtutol Tungkol sa Paniniwala sa Diyos (rs p. 131 ¶2–p. 132 ¶3)
Blg. 3: Isang Liham Mula sa Maibiging Diyos (lr kab. 2)
Ene. 19 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 11-16
Blg. 1: Genesis 14:1-16
Blg. 2: Ang Isa na Gumawa ng Lahat ng Bagay (lr kab. 3)
Blg. 3: Paano Tayo Hinuhubog ni Jehova? (Isa. 64:8)
Ene. 26 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 17-20
Blg. 1: Genesis 17:1-17
Blg. 2: Kung Bakit Nabigo ang mga Tao na Magtatag ng Isang Matuwid na Pamahalaan (rs p. 306 ¶7-p. 307 ¶6)
Blg. 3: May Pangalan ang Diyos (lr kab. 4)
Peb. 2 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 21-24
Blg. 1: Genesis 22:1-18
Blg. 2: “Ito ang Aking Anak” (lr kab. 5)
Blg. 3: a Paano Natin Mapalalawak ang Ating Pag-ibig sa Iba? (2 Cor. 6:11-13)
Peb. 9 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 25-28
Blg. 1: Genesis 25:1-18
Blg. 2: Pinaglingkuran ng Dakilang Guro ang Ibang Tao (lr kab. 6)
Blg. 3: Bakit Hindi Magtatagumpay ang mga Pagsisikap ng Tao na Lumaya sa Katiwalian at Pang-aapi? (rs p. 308 ¶1-6)
Peb. 16 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 29-31
Blg. 1: Genesis 29:1-20
Blg. 2: Kung Bakit ‘Hindi Tayo Dapat Mabalisa’ (Mat. 6:25)
Blg. 3: Proteksiyon sa Iyo ang Pagkamasunurin (lr kab. 7)
Peb. 23 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 32-35
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Mar. 2 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 36-39
Blg. 1: Genesis 39:1-16
Blg. 2: Mas Mataas ang Iba Kaysa sa Atin (lr kab. 8)
Blg. 3: Kaharian ng Diyos—Ang Tanging Sagot sa mga Pangangailangan ng Sangkatauhan (rs p. 309 ¶1-5)
Mar. 9 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 40-42
Blg. 1: Genesis 40:1-15
Blg. 2: Dapat Nating Labanan ang Tukso (lr kab. 9)
Blg. 3: b Mag-ingat Laban sa Mapagsariling Espiritu!
Mar. 16 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 43-46
Blg. 1: Genesis 44:1-17
Blg. 2: Ang Kapangyarihan ni Jesus Laban sa mga Demonyo (lr kab. 10)
Blg. 3: Ang mga Hula ng Bibliya ay Napatunayang Lubusang Maaasahan (rs p. 310 ¶1-4)
Mar. 23 Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 47-50
Blg. 1: Genesis 48:1-16
Blg. 2: Dapat ba Tayong Matakot sa Diyablo?
Blg. 3: Tulong Mula sa mga Anghel ng Diyos (lr kab. 11)
Mar. 30 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 1-6
Blg. 1: Exodo 1:1-19
Blg. 2: Tinuruan Tayo ni Jesus na Manalangin (lr kab. 12)
Blg. 3: Ang Pagpapagaling ba sa Ngayon ay Gawa ng Espiritu ng Diyos? (rs p. 295-296 ¶1)
Abr. 6 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 7-10
Blg. 1: Exodo 9:1-19
Blg. 2: Ang mga Naging Alagad ni Jesus (lr kab. 13)
Blg. 3: c Nagkakasalungatan ba ang Galacia 6:2 at Galacia 6:5?
Abr. 13 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 11-14
Blg. 1: Exodo 12:21-36
Blg. 2: Kung Bakit Dapat Tayong Magpatawad (lr kab. 14)
Blg. 3: Ang Kaibahan ng Pagpapagaling ni Jesus at ng Kaniyang mga Apostol sa Pagpapagaling sa Ngayon (rs p. 296 ¶2-5)
Abr. 20 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 15-18
Blg. 1: Exodo 15:1-19
Blg. 2: Paano Maiiwasan ang Huwad na Pagsamba?
Blg. 3: Isang Aral sa Pagiging Mabait (lr kab. 15)
Abr. 27 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 19-22
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Mayo 4 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 23-26
Blg. 1: Exodo 24:1-18
Blg. 2: Ano ba Talaga ang Mahalaga? (lr kab. 16)
Blg. 3: Kung Paano Makikilala ang mga Tunay na Kristiyano sa Ngayon (rs p. 297 ¶1-5)
Mayo 11 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 27-29
Blg. 1: Exodo 29:1-18
Blg. 2: Kung Paano Magiging Maligaya (lr kab. 17)
Blg. 3: d Di-wastong Katapatan at mga Panganib Nito
Mayo 18 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 30-33
Blg. 1: Exodo 31:1-18
Blg. 2: Kung Bakit Ibinigay ang mga Kaloob ng Pagpapagaling Noong Unang Siglo (rs p. 298 ¶1–p. 299 ¶2)
Blg. 3: Lagi Ka Bang Nagpapasalamat? (lr kab. 18)
Mayo 25 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 34-37
Blg. 1: Exodo 37:1-24
Blg. 2: Tama Bang Makipag-away? (lr kab. 19)
Blg. 3: e Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Kunsintindor, at Bakit Dapat Natin Itong Iwasan?
Hun. 1 Pagbabasa ng Bibliya: Exodo 38-40
Blg. 1: Exodo 40:1-19
Blg. 2: Gusto Mo Bang Ikaw Lagi ang Mauna? (lr kab. 20)
Blg. 3: Anong Pag-asa Mayroon Ukol sa Tunay na Pagpapagaling Para sa Buong Sangkatauhan? (rs p. 299 ¶3-5)
Hun. 8 Pagbabasa ng Bibliya: Levitico 1-5
Blg. 1: Levitico 4:1-15
Blg. 2: Dapat ba Tayong Magyabang? (lr kab. 21)
Blg. 3: f Paano Dapat Gamitin ng mga Kristiyano ang Kanilang Awtoridad?
Hun. 15 Pagbabasa ng Bibliya: Levitico 6-9
Blg. 1: Levitico 8:1-17
Blg. 2: ‘Sumasampalataya ba Kayo sa Pagpapagaling?’ (rs p. 299 ¶6–p. 300 ¶1)
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Tayo Dapat Magsinungaling (lr kab. 22)
Hun. 22 Pagbabasa ng Bibliya: Levitico 10-13
Blg. 1: Levitico 11:29-45
Blg. 2: Kung Bakit Nagkakasakit ang mga Tao (lr kab. 23)
Blg. 3: Mga Pagpapalang Tinatamasa ng Bautisadong mga Alagad
Hun. 29 Pagbabasa ng Bibliya: Levitico 14-16
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Hul. 6 Pagbabasa ng Bibliya: Levitico 17-20
Blg. 1: Levitico 19:1-18
Blg. 2: Tayo Bang Lahat ay Dati Nang Umiral sa Dako ng mga Espiritu Bago Pa Tayo Isilang Bilang Tao? (rs p. 220 ¶1-5)
Blg. 3: Huwag Maging Magnanakaw Kahit Kailan! (lr kab. 24)
Hul. 13 Pagbabasa ng Bibliya: Levitico 21-24
Blg. 1: Levitico 22:17-33
Blg. 2: Puwede Pa Kayang Magbago ang mga Gumagawa ng Masama? (lr kab. 25)
Blg. 3: Nagmamalasakit sa Mahihirap ang mga Tunay na Kristiyano
Hul. 20 Pagbabasa ng Bibliya: Levitico 25-27
Blg. 1: Levitico 25:39-54
Blg. 2: Kung Bakit Mahirap Gumawa ng Mabuti (lr kab. 26)
Blg. 3: Kung si Adan Sana ay Hindi Nagkasala, sa Langit Kaya ang Kaniyang Magiging Hantungan? (rs p. 220 ¶6–p. 221 ¶1)
Hul. 27 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 1-3
Blg. 1: Bilang 3:1-20
Blg. 2: Kung Bakit ang Kahinahunan ay Nangangailangan ng Pagpipigil sa Sarili
Blg. 3: Sino ang Diyos Mo? (lr kab. 27)
Agos. 3 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 4-6
Blg. 1: Bilang 4:1-16
Blg. 2: Kung Paano Malalaman Kung Sino ang Dapat Sundin (lr kab. 28)
Blg. 3: Kailangan Pa Bang Pumunta ang Tao sa Langit Upang Tamasahin ang Isang Tunay na Maligayang Kinabukasan? (rs p. 221 ¶2-4)
Agos. 10 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 7-9
Blg. 1: Bilang 9:1-14
Blg. 2: Natutuwa ba ang Diyos sa Lahat ng Party? (lr kab. 29)
Blg. 3: Paano Tayo Nagpapakita ng Pagkamatapat kay Jehova?
Agos. 17 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 10-13
Blg. 1: Bilang 13:17-33
Blg. 2: Tulong Para Madaig ang Ating Takot (lr kab. 30)
Blg. 3: Ano ang Ibig Sabihin ng 1 Pedro 3:19, 20? (rs p. 221 ¶5)
Agos. 24 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 14-16
Blg. 1: Bilang 14:26-43
Blg. 2: Ano ang Kahulugan ng Ibigin ang Kautusan ng Diyos? (Awit 119:97)
Blg. 3: Kung Saan Makakakuha ng Kaaliwan (lr kab. 31)
Agos. 31 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 17-21
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Set. 7 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 22-25
Blg. 1: Bilang 22:20-35
Blg. 2: Kung Paano Iningatan si Jesus (lr kab. 32)
Blg. 3: Ano ang Kahulugan ng 1 Pedro 4:6? (rs p. 222 ¶1)
Set. 14 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 26-29
Blg. 1: Bilang 27:1-14
Blg. 2: Ano ang Pangkaisipang Patnubay, at Bakit Ito Mahalaga? (Efe. 6:4)
Blg. 3: Kaya Tayong Ingatan ni Jesus (lr kab. 33)
Set. 21 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 30-32
Blg. 1: Bilang 32:1-15
Blg. 2: Ano ang Mangyayari Kapag Namatay Tayo? (lr kab. 34)
Blg. 3: Makalangit na Buhay ba ang Pag-asa Para sa Lahat ng Kristiyano? (rs p. 222 ¶2–p. 223 ¶2)
Set. 28 Pagbabasa ng Bibliya: Bilang 33-36
Blg. 1: Bilang 33:1-23
Blg. 2: Puwede Tayong Magising Mula sa Kamatayan! (lr kab. 35)
Blg. 3: Kung Paano Nakahihigit ang Kaharian ng Diyos sa Lahat ng Pamahalaan ng Tao
Okt. 5 Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 1-3
Blg. 1: Deuteronomio 2:1-15
Blg. 2: Ano ang Sinasabi ng “Bagong Tipan” Tungkol sa Buhay na Walang-Hanggan sa Lupa? (rs p. 223 ¶3–p. 224 ¶4)
Blg. 3: Sino ang Bubuhaying Muli? Saan Sila Titira? (lr kab. 36)
Okt. 12 Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 4-6
Blg. 1: Deuteronomio 4:15-28
Blg. 2: Pag-alaala kay Jehova at sa Kaniyang Anak (lr kab. 37)
Blg. 3: Kailan Masasabing Mas Mabuti ang Kaunti? (Kaw. 15:16)
Okt. 19 Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 7-10
Blg. 1: Deuteronomio 9:1-14
Blg. 2: Kung Bakit Dapat Nating Ibigin si Jesus (lr kab. 38)
Blg. 3: Ukol sa Ilan ang Pag-asa sa Makalangit na Buhay na Binabanggit ng Bibliya? (rs p. 225 ¶1-2)
Okt. 26 Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 11-13
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Nob. 2 Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 14-18
Blg. 1: Deuteronomio 15:1-15
Blg. 2: Ano ang Nasasangkot sa Pagkatakot sa Diyos?
Blg. 3: Inaalaala ng Diyos ang Kaniyang Anak (lr kab. 39)
Nob. 9 Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 19-22
Blg. 1: Deuteronomio 22:1-19
Blg. 2: Kung Paano Pasasayahin ang Diyos (lr kab. 40)
Blg. 3: Ang 144,000 ba’y Pawang mga Likas na Judio? (rs p. 225 ¶3-6)
Nob. 16 Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 23-27
Blg. 1: Deuteronomio 25:1-16
Blg. 2: Mga Batang Nagpapasaya sa Diyos (lr kab. 41)
Blg. 3: g Anu-anong Bagay ang Dapat Nating Ituring na Sagrado?
Nob. 23 Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 28-31
Blg. 1: Deuteronomio 30:1-14
Blg. 2: Kung Bakit Kailangan Tayong Magtrabaho (lr kab. 42)
Blg. 3: Ano ang Pag-asa ng “Malaking Pulutong” Ayon sa Kasulatan? (rs p. 226 ¶1-3)
Nob. 30 Pagbabasa ng Bibliya: Deuteronomio 32-34
Blg. 1: Deuteronomio 32:1-21
Blg. 2: Ano ang “Dakilang Araw ni Jehova”? (Zef. 1:14)
Blg. 3: Sino ang Ating mga Kapatid? (lr kab. 43)
Dis. 7 Pagbabasa ng Bibliya: Josue 1-5
Blg. 1: Josue 5:1-15
Blg. 2: Dapat Ibigin ng Ating mga Kaibigan ang Diyos (lr kab. 44)
Blg. 3: Ano ang Kaharian ng Diyos? Kung Paano Maipakikitang Gusto Natin Ito (lr kab. 45)
Dis. 14 Pagbabasa ng Bibliya: Josue 6-8
Blg. 1: Josue 8:1-17
Blg. 2: Pinuksa ng Tubig ang Isang Sanlibutan—Mauulit Kaya Ito? (lr kab. 46)
Blg. 3: Bakit Praktikal ang Payo ng Eclesiastes 7:21, 22?
Dis. 21 Pagbabasa ng Bibliya: Josue 9-11
Blg. 1: Josue 9:1-15
Blg. 2: Kung Paano Natin Masasabing Malapit Na ang Armagedon (lr kab. 47)
Blg. 3: Mapayapang Bagong Sanlibutan ng Diyos—Maaari Kang Manirahan Doon (lr kab. 48)
Dis. 28 Pagbabasa ng Bibliya: Josue 12-15
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
[Mga talababa]
a Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
b Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
c Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
d Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
e Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
f Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.
g Iatas lamang sa mga brother, hangga’t maaari sa mga elder o ministeryal na lingkod.