Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Disyembre 29, 2008. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Nobyembre 3 hanggang Disyembre 29, 2008.
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Bakit mabisang magpayo “salig sa pag-ibig”? (Flm. 9) [be p. 266 par. 1-3]
2. Paano natin mapalalakas ang loob ng iba? [be p. 268 par. 4–p. 269 par. 2]
ATAS BLG. 1
3. Bakit masasabing “mabuti at kapaki-pakinabang” para sa atin ngayon ang liham ni Pablo kay Tito? (Tito 3:8) [si p. 240 par. 8]
4. Bakit napapanahon ang unang liham ni Pedro? [si p. 251 par. 1]
5. Ano ang dapat maging epekto sa atin ng mga simbolismo sa Apocalipsis? [si p. 263 par. 1]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
6. Sa Tito 2:3, bakit iniugnay ni Pablo ang “hindi naninirang-puri” sa ‘hindi nagpapaalipin sa maraming alak’? [w94 6/15 p. 20 par. 12]
7. Ang kakayahan ba ni Satanas na “magpangyari ng kamatayan” ay nagpapahiwatig na kaya niyang patayin ang sinumang nais niya? Heb. 2:14) [w08 10/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa mga Liham kay Tito, kay Filemon, at sa mga Hebreo”]
8. Sino ang “taong nagpangyari ng [bagong] tipan”? (Heb. 9:16) [w08 10/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa mga Liham kay Tito, kay Filemon, at sa mga Hebreo”]
9. Ano ang ibig sabihin ng pagiging mapagpayapa, at anong mga tanong ang maaari nating itanong sa ating sarili? (Sant. 3:17) [w08 3/15 p. 24 par. 18]
10. Ano ang ibig sabihin ng pananalitang “ang Diyos ay mas dakila kaysa sa ating mga puso”? (1 Juan 3:20) [w05 8/1 p. 30 par. 19]