Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/08 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 12/08 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Disyembre: Ialok ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kapag sinabi ng may-bahay na mayroon silang anak, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Enero: Ialok ang lumang mga aklat na nasa stock ng kongregasyon, gaya ng Kaalaman, Mabuhay Magpakailanman, o Nagkakaisa sa Pagsamba. Maaari ding ialok ang anumang aklat na inilathala bago 1991. Kung wala kayong lumang mga aklat sa inyong stock, ialok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Pebrero: Ialok ang alinman sa sumusunod kung makukuha ito sa inyong kongregasyon, Is There a Creator Who Cares About You?, Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, o Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Gumawa ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.

◼ Kung alam mong wala ka sa kongregasyon sa katapusan ng Disyembre dahil dadalo ka sa isang pandistritong kombensiyon, tiyaking maibibigay mo sa inyong tagapangasiwa ng grupo o sa inyong kalihim ang iyong ulat ng paglilingkod sa larangan bago ka umalis. O, kung nasa medyo malayo ka, maaari mong itawag sa telepono o i-text ang iyong ulat, sa gayo’y nagiging ‘tapat ka sa pinakakaunti.’—Luc. 16:10.

◼ Dapat i-audit ng inatasan ng punong tagapangasiwa ang kuwenta ng kongregasyon para sa mga buwan ng Setyembre, Oktubre, at Nobyembre. Kapag natapos na ang audit, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon sa susunod na ulat ng kuwenta.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).

◼ Hinihimok ang lahat ng mamamahayag na punan at kumpletuhin ang kanilang durable power of attorney (DPA) card, kung hindi pa nila ito nagagawa. Ipinagsasanggalang ng DPA card na ito ang inyong karapatan na tumanggi sa pagsasalin ng dugo. Tutulungan kayo ng mga elder kung kinakailangan.—Tingnan ang insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2007.

◼ 2009 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2009 ay hinalaw sa Gawa 20:24: “Lubusang magpatotoo sa mabuting balita.” Dapat isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall pasimula sa Enero 1, 2009.

◼ Pagbabago sa Pandistritong Kombensiyon: Ang kombensiyon sa Himamaylan, Negros Occidental ay idaraos na sa Disyembre 12-14, 2008 sa halip na sa Disyembre 19-21 gaya ng naunang ipinatalastas.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share