Iskedyul Para sa Linggo ng Enero 12
LINGGO NG ENERO 12
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 6-10
Blg. 1: Genesis 9:1-17
Blg. 2: Sagot sa mga Pagtutol Tungkol sa Paniniwala sa Diyos (rs p. 131 ¶2–p. 132 ¶3)
Blg. 3: Isang Liham Mula sa Maibiging Diyos (lr kab. 2)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Lokal na mga patalastas.
10 min: Mahalaga sa Ating Ministeryo ang Pagkakaroon ng Positibong Saloobin. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Naglaan si Jesus ng mahusay na halimbawa para sa atin. Itinuring niya na mga tupang nangangailangan ng tulong ang mga taong pinangaralan niya ng mabuting balita. (Mat. 9:36-38) Bagaman noong una ay natakot si Ananias na puntahan si Saul, ano ang nakatulong sa kaniya na baguhin ang kaniyang saloobin? (Gawa 9:13-15) Paano makikita sa paraan ng paglapit ni Ananias kay Saul na mayroon siyang positibong saloobin? (Gawa 9:17) Bakit tayo dapat magpakita ng positibong saloobin kapag nakikipag-usap sa mga tao sa ating teritoryo? Paano makakatulong ang pagkakaroon ng positibong saloobin upang maging mas epektibo ang ating ministeryo? Kapanayamin sa maikli ang isa o dalawang mamamahayag na may magagandang karanasan sa ministeryo dahil sa kanilang positibong saloobin.
10 min: Kung Papaano Gagamitin ang Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan. Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod o ng ibang elder salig sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 7-8.
10 min: “Paano Nila Maririnig?”a
[Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.