Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Agosto 31, 2009. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Hulyo 6 hanggang Agosto 31, 2009.
1. Bakit hinahatulan ng kaparusahang kamatayan ang sinumang “sumusumpa” sa kaniyang mga magulang? (Lev. 20:9) [w04 5/15 p. 24 par. 6]
2. Yamang hinihilingan ang lahat ng lalaking Israelita na dumalo sa Kapistahan ng mga Tinapay na Walang Pampaalsa, sino ang umaani ng mga unang bunga ng inihahandog na sebada? (Lev. 23:5, 11) [w07 7/15 p. 26 par. 3]
3. Ano ang inilalarawan ng taon ng Jubileo? (Lev. 25:10, 11) [w04 7/15 p. 26-27]
4. Mayroon bang kaugnayan sa pagsamba ng Israel ang “mga tanda” na binanggit sa Bilang 2:2? [w02 9/15 p. 21 par. 4]
5. Anong saloobin ang ipinapakita ngayon ng buong-panahong mga tagapaghayag ng Kaharian na katulad ng ipinakita noon ng mga Nazareo ng sinaunang Israel? (Bil. 6:3, 5, 6) [w04 8/1 p. 24-25]
6. Anong simulain sa kautusan may kinalaman sa pagreretiro ng mga Levita ang maaaring ikapit ng bayan ni Jehova sa ngayon? (Bil. 8:25, 26) [w04 8/1 p. 25 par. 1]
7. Paano nagpakita ng “sakim na pagnanasa” ang mga Israelita? Anong aral ang matututuhan dito ng mga Kristiyano sa ngayon? (Bil. 11:4) [w01 6/15 p. 14-15; w95 3/1 p. 16 par. 10]
8. Bakit si Miriam lamang ang kinapitan ng ketong? Anong mahalagang aral ang matututuhan natin dito? (Bil. 12:9-11) [w04 8/1 p. 26 par. 2; it-2-E p. 415 par. 1]
9. Ano ang ibig sabihin nina Josue at Caleb nang tukuyin nila ang mga naninirahan sa Canaan na “tinapay”? (Bil. 14:9) [w06 10/1 p. 16 par. 5; it-1-E p. 363-364]
10. Anong babalang halimbawa ang binabanggit sa Bilang 21:5? [w99 8/15 p. 26-27]