Iskedyul Para sa Linggo ng Disyembre 21
LINGGO NG DISYEMBRE 21
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
lv kab. 14 ¶10-14, kahon sa p. 164-165, apendise p. 222-223
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Josue 9-11
Blg. 1: Josue 9:1-15
Blg. 2: Kung Paano Natin Masasabing Malapit Na ang Armagedon (lr kab. 47)
Blg. 3: Mapayapang Bagong Sanlibutan ng Diyos—Maaari Kang Manirahan Doon (lr kab. 48)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga Patalastas.
15 min: Maghanda Upang Ialok ang Bantayan at Gumising! Magkaroon ng isang pagtatanghal kung saan ibinabahagi ng tagapangasiwa ng grupo ang kaniyang presentasyon sa isang kabataang mamamahayag. Sasabihin niya kung bakit ito ang kaniyang napili at kung anong tanong at teksto ang gagamitin niya. Sasabihin naman ng kabataan na may naisip din siyang presentasyon pero kailangan pa itong pagandahin. Gamit ang artikulong gustong iharap ng kabataan, bubuo sila ng tanong at pipili ng teksto para dito.
15 min: “‘Ibahagi ang Iyong Kaluluwa’ sa Iyong mga Tinuturuan.” Tanong-sagot. Matapos talakayin ang parapo 2, interbyuhin ang isang mamamahayag. Tanungin kung paano niya ipinakikita ang pagmamalasakit sa kaniyang mga tinuturuan, at kung ano ang naging resulta nito. Interbyuhin din ang isang mamamahayag na nakinabang sa ipinakitang pagmamalasakit ng nagturo sa kaniya ng Bibliya.