Iskedyul Para sa Linggo ng Pebrero 8
LINGGO NG PEBRERO 8
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
lv kab. 16 ¶15-22, kahon sa p. 194
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Hukom 11-14
Blg. 1: Hukom 13:1-14
Blg. 2: Ano ang Matututuhan Natin Mula sa mga Salita ni Jesus na Nakaulat sa Lucas 16:9-13?
Blg. 3: Ano ang ‘Walang-Hanggang Pagpapahirap’ na Tinutukoy sa Apocalipsis? (rs p. 186 ¶3–p. 187 ¶1)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga Patalastas.
10 min: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa mga Kapistahan. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa aklat na Nangangatuwiran, sa ilalim ng dalawang uluhan sa pahina 114 at 115. Anu-anong kapistahan ang karaniwang ipinagdiriwang sa inyong teritoryo? Kailan at saan ka maaaring makapagpatotoo tungkol sa isang kapistahan? Magkaroon ng isang pagtatanghal kung paano tuturuan ng magulang ang kaniyang anak na sagutin ang tanong na, Bakit hindi kayo nagdiriwang ng Pasko?
20 min: “Pamamahagi ng Imbitasyon sa Memoryal sa Buong Daigdig.” Tanong-sagot. Bago talakayin ang parapo 2, bigyan ng kopya ng imbitasyon ang bawat isa kung mayroon na, at ipaliwanag ang iba’t ibang bahagi nito. Pagkatapos talakayin ang parapo 2, ipatanghal sa isang mamamahayag kung paano gagamitin ang imbitasyon. Kapanayamin ang tagapangasiwa sa paglilingkod o ibang elder para ipaliwanag ang iba pang detalye hinggil sa kaayusan sa nalalapit na kampanya para sa Memoryal.