Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Hunyo 28, 2010. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Mayo 3 hanggang Hunyo 28, 2010.
1. Ano ang matututuhan natin sa pagdadalamhati ni David kay Abner? (2 Sam. 3:31-34) [w05 5/15 p. 17 par. 6; w06 7/15 p. 21 par. 9-10]
2. Anong pagkakamali ang ginawa ni Natan, at bakit hindi siya itinakwil ni Jehova bilang propeta? (2 Sam. 7:3) [rs p. 77 par. 6]
3. Paano natupad ang 2 Samuel 7:14? [it-1-E p. 273 par. 3; it-2-E p. 818 par. 2]
4. Bakit masasabing kapahayagan ng maibiging-kabaitan ang ginawa ni David kay Mepiboset, at paano ito dapat makaapekto sa atin? (2 Sam. 9:7) [w02 5/15 p. 19 par. 5]
5. Anong mga aral ang matututuhan natin sa ugnayan ni Ittai na Giteo at ni Haring David? (2 Sam. 15:19-22) [w09 5/15 p. 27-28]
6. Paano natin mapapatunayan mula sa Kasulatan na mali ang akusasyon ni Ziba kay Mepiboset? (2 Sam. 16:1-4) [w02 2/15 p. 14-15 par. 11, tlb.]
7. Nang alukin ni David ang 80-taóng-gulang na si Barzilai na maging bahagi ng kaniyang korte, bakit inirekomenda ni Barzilai si Kimham? (2 Sam. 19:33-37) [w07 6/1 p. 24 par. 13]
8. Paano pinadakila si David ng kapakumbabaan ni Jehova? (2 Sam. 22:36) [w07 11/1 p. 5 par. 2; w04 11/1 p. 29]
9. Bakit sinikap ni Adonias na agawin ang trono samantalang buháy pa si David? (1 Hari 1:5) [w05 7/1 p. 28 par. 5]
10. Bakit sinagot ni Jehova ang panalangin ni Solomon para sa karunungan at kaunawaan? (1 Hari 3:9) [w05 7/1 p. 30 par. 2]