Iskedyul Para sa Linggo ng Hunyo 28
LINGGO NG HUNYO 28
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cf kab. 6 ¶19-25, kahon sa p. 65
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 1 Hari 3-6
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga Patalastas.
15 min: Maghanda Para Ialok ang mga Magasin sa Hulyo. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Repasuhin nang isa o dalawang minuto ang nilalaman ng mga magasin. Pumili ng dalawa o tatlong artikulo, at anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng mga tanong at tekstong magagamit sa presentasyon. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat magasin. Bilang konklusyon, ipatanghal kung paano makapagsisimula ng pag-aaral sa Bibliya sa pagdalaw-muli.—Tingnan ang km 4/07 p. 4.
15 min: Sinanay Mula sa Pagkasanggol. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Kilala si Timoteo bilang masigasig at mahusay na ebanghelisador. (Fil. 2:20-22) Nakatulong sa kaniya ang espirituwal na pagsasanay ng kaniyang ina at lola mula sa pagkasanggol. (2 Tim. 1:5; 3:15) Ang sumusunod na maka-Kasulatang mungkahi ay makatutulong sa mga magulang sa pagsasanay sa kanilang mga anak na maging mahusay na ebanghelisador. (1) Isama sa ministeryo ang inyong mga anak habang bata pa sila; sanayin silang makibahagi ayon sa kanilang edad at kakayahan. (Kaw. 22:6) (2) Maging halimbawa sa pag-una sa ministeryo. (Fil. 1:9, 10) (3) Sa Pampamilyang Pagsamba at sa iba pang pagkakataon, tulungan silang ibigin at pahalagahan ang gawaing pangangaral. (Deut. 6:6, 7) (4) Dapat makita sa inyong saloobin at pananalita na positibo kayo sa ministeryo. (Fil. 3:8; 4:8; 1 Tim. 1:12) (5) Palaging isama ang buong pamilya sa ministeryo. (Gawa 5:41, 42) (6) Makipagsamahan sa masisigasig na ministro. (Kaw. 13:20) Tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang espesipikong mga bagay na ginawa ng kanilang mga magulang para tulungan silang maging masaya at epektibo sa ministeryo.