Iskedyul Para sa Linggo ng Setyembre 20
LINGGO NG SETYEMBRE 20
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cf kab. 10 ¶18-23, kahon sa p. 107
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 2 Hari 19-22
Blg. 1: 2 Hari 20:1-11
Blg. 2: Bakit Kailangang Maging Mahinahong-Loob? (Mat. 5:5)
Blg. 3: Paano Maaaring Ibigin ng Isa si Jehova Kung Siya’y Dapat Ding Katakutan? (rs p. 197 ¶3-4)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga Patalastas.
10 min: Ano ang Nagawa Natin Noong Nakaraang Taon? Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang mga gawain ng kongregasyon sa nakalipas na taon ng paglilingkod, magtuon ng pansin sa nakapagpapasiglang mga bagay na nagawa, at magbigay ng angkop na komendasyon. Interbyuhin ang isa o dalawang mamamahayag na may magagandang karanasan. Bumanggit ng isa o dalawang aspekto ng ministeryo na maaaring pagsikapan ng kongregasyon sa susunod na taon, at magbigay ng praktikal na mga mungkahi para magawa ito.
10 min: “Mga Tagubilin Para sa mga Gumaganap ng Bahagi sa Pulong sa Paglilingkod.” Pahayag ng isang elder.
10 min: Tulungan ang Inyong Anak na Maging Mamamahayag. Pagtalakay salig sa aklat na Organisado sa pahina 82. Interbyuhin ang isang huwarang magulang na may maliit na anak na di-bautisadong mamamahayag. Paano niya tinulungan ang kaniyang anak na sumulong at maging kuwalipikado sa pagiging mamamahayag?