Iskedyul Para sa Linggo ng Disyembre 13
LINGGO NG DISYEMBRE 13
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cf kab. 14 ¶17-21, kahon sa p. 149
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 2 Cronica 15-19
Blg. 1: 2 Cronica 15:8-19
Blg. 2: Kung May Magsasabi: “Ang mga Kristiyano ay Dapat Maging mga Saksi ni Jesus, Hindi ni Jehova” (rs p. 386 ¶4)
Blg. 3: Paano Tayo Maaaring Magpakita ng Dangal sa Ating Pagsamba kay Jehova?
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga patalastas. Himukin ang lahat na dalhin ang isyu ng Enero 1, 2011 ng Bantayan sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo.
15 min: Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2011. Pahayag ng tagapangasiwa ng paaralan. Talakayin ang mga punto na kailangang maidiin sa kongregasyon mula sa iskedyul ng 2011. Repasuhin ang papel ng katulong na tagapayo. Pasiglahin ang lahat na maging masikap sa pagganap ng kanilang mga atas, sa pagbibigay ng komento sa mga tampok na bahagi sa Bibliya, at sa pagkakapit ng mga mungkahing ibinibigay linggu-linggo mula sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo.
15 min: “Isang Paglalaan Para sa mga Kristiyanong Ministro.” Tanong-sagot. Ipatalastas ang petsa ng susunod na pansirkitong asamblea kung mayroon na. Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad kung paano sila natulungan ng kamakailang pansirkitong asamblea.