Iskedyul Para sa Linggo ng Enero 24
LINGGO NG ENERO 24
Awit 53 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cf kab. 16 ¶15-20, kahon sa p. 171 (25 min)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Ezra 6-10 (10 min)
Blg. 1: Ezra 7:1-17 (4 min o mas maikli)
Blg. 2: Kung Paano Pinatunayan ni Jesus na Karapat-dapat Siyang Mamahala Bilang Hari (5 min)
Blg. 3: Talaga Bang si Jesus ang Diyos?—rs p. 200 ¶3-p. 201 ¶1 (5 min)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga patalastas. Banggitin ang alok na literatura para sa Pebrero, at magkaroon ng isang pagtatanghal kung paano ito iaalok.
20 min: “Tulong Para sa mga Pamilya.”—Bahagi 1. (Parapo 1-6 at kahon sa pahina 6.) Tanong-sagot. Pasiglahin ang mga tagapakinig na subukan ang mga mungkahi sa kahon sa pahina 6 sa susunod nilang Pampamilyang Pagsamba. Sa susunod na linggo, kapag tinatalakay na ang natitirang bahagi ng artikulong ito, may pagkakataon silang magkomento kung paano nakinabang ang kanilang pamilya.
10 min: Maghanda Para Ialok ang mga Magasin sa Pebrero. Pagtalakay. Sa loob ng isa o dalawang minuto, banggitin ang nilalaman ng mga magasin. Pumili ng dalawa o tatlong artikulo, at anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng mga tanong at tekstong magagamit sa pag-aalok. Ipatanghal kung paano iaalok ang bawat magasin.
Awit 32 at Panalangin