Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Hunyo 27, 2011. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Mayo 2 hanggang Hunyo 27, 2011.
1. Ano ang matututuhan natin sa paghiling ni Jehova kay Job na ipanalangin niya ang mga nagkasala sa kaniya? (Job 42:8) [w98 8/15 p. 30 par. 5]
2. Anong “mga hain ng katuwiran” ang inihahandog ng mga Kristiyano sa ngayon? (Awit 4:5) [w06 5/15 p. 18 par. 9]
3. Paano itinuwid si David ng kaniyang mga bato? (Awit 16:7) [w04 12/1 p. 14 par. 9]
4. Paanong “ang langit ay naghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos”? (Awit 19:1) [w04 10/1 p. 10 par. 8]
5. Anong kaugnayan ng pag-asa at lakas ng loob ang ipinahihiwatig sa Awit 27:14? [w06 10/1 p. 26-27 par. 3, 6]
6. Paano dapat makaapekto sa pakikitungo natin sa ating mga kapatid ang sinasabi ng Awit 37:21? [w88 8/15 p. 17 par. 8]
7. Anong aral tungkol sa pagpapahalaga ang matututuhan natin sa karanasan ng isang tapong Levita? (Awit 42:1-3) [w06 6/1 p. 9 par. 3]
8. Ano ang makatutulong sa atin na malinang ang pag-ibig sa katuwiran at pagkapoot sa kasamaan? (Awit 45:7) [cf p. 58-59 par. 8-10]
9. Kaninong “nagkukusang espiritu” ang hiniling ni David na alalayan? (Awit 51:12) [w06 6/1 p. 9 par. 10]
10. Paano tayo magiging tulad ng isang mayabong na punong olibo sa bahay ni Jehova? (Awit 52:8) [w00 5/15 p. 29 par. 6]