“Gaano Karaming Oras ang Iuulat Ko?”
Naitanong mo na ba iyan? Ang mga tagubilin ay mababasa sa pahina 86-87 ng aklat na Organisado. Nagbibigay ng karagdagang tagubilin sa pana-panahon, gaya ng tinalakay sa Tanong sa Setyembre 2008 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Yamang iba-iba ang kalagayan natin, hindi tayo binigyan ng mahabang listahan ng mga tuntunin. Kaya hindi angkop para sa mga elder o sa iba pa na gumawa ng karagdagang mga tagubilin.
Kapag may bumangong tanong at walang nailathalang tagubilin tungkol dito, maitatanong ng bawat mamamahayag: Ginugol ko ba ang oras na iyon sa ministeryo? O may iba pa akong ginawa na walang kaugnayan sa pangangaral? Ang iniuulat nating personal na paglilingkod bawat buwan ay dapat na magdulot sa atin ng kagalakan at malinis na budhi. (Gawa 23:1) Siyempre pa, ang mahalaga ay hindi ang dami ng oras, kundi kung paano natin mabisang ginagamit ang ating oras—sa pamamagitan ng masigasig na paggawa sa ministeryo.—Heb. 6:11.