Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/99 p. 4
  • Gamiting Mabuti ang Iyong Panahon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gamiting Mabuti ang Iyong Panahon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Pagtitipon Para sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Gamitin Nang Husto ang Iyong Panahon sa Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Maging Mabisa sa Inyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Naisasagawa ng mga Pagtitipon Para sa Paglilingkod sa Larangan ang Layunin Nito
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 6/99 p. 4

Gamiting Mabuti ang Iyong Panahon

1 Bawat isa ay may pare-parehong dami ng panahon na magagamit linggu-linggo. Ang bahagi na iniuukol natin sa pagpapalaganap ng mabuting balita ay lalo nang mahalaga dahil ito ay panahong ginamit sa isang gawaing nagliligtas-buhay. (Roma 1:16) Ipinapakita natin ang ating pagpapahalaga rito sa pamamagitan ng paghahandang mabuti para sa isinaplanong paglilingkod, pagdating nang nasa oras sa mga pulong ukol sa paglilingkod, at pagtungo kaagad sa teritoryo. Mas mabuti na tayo’y nangangaral sa halip na naghihintay. Yamang itinuro sa atin ni Jehova na “sa lahat ng bagay ay may takdang panahon,” nais natin na talagang gamiting mabuti ang panahon na ating ibinukod para sa ministeryo.—Ecles. 3:1.

2 May-Katalinuhang Isaayos ang Iyong Panahon: Maraming pagpapala ang nakakamtan natin kapag matatag tayong nanghahawakan sa isang iskedyul na nagpapahintulot sa regular na pakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Natural lamang na ang mabubuting resulta na ating natatamo sa ministeryo ay dapat na katumbas ng dami ng panahong ating nagugugol sa paglilingkod. Sa pamamagitan ng bahagyang pagbabago sa ating rutin, maaari ba nating iukol ang higit pang panahon sa paglilingkod sa larangan? Halimbawa, pagkatapos ng gawaing pagmamagasin kapag Sabado, maaari pa kaya tayong gumugol ng karagdagang panahon upang makagawa ng ilang pagdalaw-muli? Kung tayo ay nakagugol na nang ilang panahon sa ministeryo sa larangan kapag Linggo, maaari kaya tayong makagugol din ng ilang panahon sa pagdalaw-muli o sa pagdaraos ng isang pag-aaral sa Bibliya? Posible kayang idagdag ang pagpapatotoo sa lansangan sa ating gawaing pagbabahay-bahay? Sa ganito o sa iba pang paraan, maaari nating mapasulong ang ating paglilingkod.

3 Kapag tayo ay nasa ministeryo, masasayang natin ang mahalagang panahon kung hindi tayo mag-iingat. Sabihin pa, kapag talagang masama ang lagay ng panahon, ang maikling pagpapahingalay ay makapagpapanariwa sa atin at makatutulong sa atin na magpatuloy. Gayunman, maging timbang, yamang ang gayong pagpapahingalay ay maaaring hindi naman laging kailangan.

4 Nitong nakaraang mga taon, nagiging lalong mahirap na masumpungan ang mga tao sa tahanan. Upang makibagay sa ganitong situwasyon, iniiba ng maraming mamamahayag ang oras ng kanilang pagpapatotoo sa bahay-bahay. Bakit hindi subuking magpatotoo sa bandang hapon o sa pagsisimula ng gabi?

5 Mas mabuti kung hindi tayo mag-uusap-usap samantalang nakikibahagi sa gawain sa lansangan. Sa halip, humiwalay sa isa’t isa at lumapit sa mga tao upang mapasimulan ang pakikipag-usap sa kanila. Sa gayon ay magagamit nang mabisa ang panahon at higit na kagalakan ang matatamo sa gawain.

6 Samantalahin ang mga Pagkakataon Upang Makapagpatotoo: Nang sabihin ng maybahay na hindi siya interesado, itinanong ng Saksi kung mayroon pang ibang tao sa bahay na maaari niyang kausapin. Ito ay umakay sa pakikipag-usap sa ama ng tahanan, na maraming taon nang may-sakit at halos nakaratay na lamang sa higaan. Ang pag-asa na nakasaad sa Salita ng Diyos ay nagpasigla sa kaniyang interes sa buhay. Di-nagtagal ay gumaling siya, dumalo sa mga pulong sa Kingdom Hall, at ibinahagi ang kaniyang bagong-tuklas na pag-asa sa iba!

7 Ikinapit ng isang tin-edyer na kapatid na babae ang mungkahi na makibahagi sa paglilingkod sa larangan bago ang oras ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Sa unang bahay na dinalaw niya, natagpuan niya ang isang 13-anyos na batang babae na matamang nakinig at kumuha ng literatura. Sa paaralan kinabukasan, nakita ng kabataang kapatid ang mismong batang babaing ito. Di-nagtagal pagkatapos nito, inalukan niya itong makipag-aral ng Bibliya sa kaniya, at sumang-ayon ang batang babae.

8 Gawing Makabuluhan ang Ginagamit na Panahon: Ang regular na pakikibahagi sa paglilingkod sa larangan ay tumutulong sa atin na mapaunlad ang ating mga kakayahan sa paghaharap ng mabuting balita. Maaari mo bang pasulungin ang iyong kakayahang pasimulan ang pag-uusap sa pintuan sa pamamagitan ng paggamit ng mas mabisang pambungad? Maaari ka kayang maging isang mas bihasang guro kapag nagdaraos ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Sa paggawa ng gayon, tunay na magagamit mong mabuti ang iyong panahon sa paglilingkod at mapagiging mas mabunga ang iyong ministeryo.—1 Tim. 4:16.

9 Yamang “ang panahong natitira ay pinaikli,” ang ating buhay ay dapat na punuin ng mga gawang Kristiyano. (1 Cor. 7:29) Ang pagbubukod ng panahon para sa gawaing pangangaral ay dapat na maging una sa ating talaan ng mga priyoridad. Magkaroon nawa tayo ng masigla at masigasig na pakikibahagi sa ministeryo. Ang panahon ay isang kahanga-hangang pag-aari na ipinagkaloob sa atin ni Jehova. Laging gamitin ito nang may katalinuhan at sa mabuting paraan.

[Kahon sa pahina 4]

Isaalang-alang ang mga Mungkahing Ito:

◼ Dumating nang nasa oras sa mga pulong ukol sa paglilingkod.

◼ Kung makatuwiran, panatilihing maliit ang mga grupong magpapatotoo.

◼ Iwasang maantala sa pagtungo sa teritoryo.

◼ Gawin ang teritoryo kapag mas maraming tao ang nasa tahanan.

◼ Gumawang mag-isa paminsan-minsan kung ligtas na gawin ang gayon.

◼ Gumawa ng mga pagdalaw-muli malapit sa teritoryong sinaklaw sa pagbabahay-bahay.

◼ Manatiling abala sa paglilingkod kapag ang iba sa grupo ay naaantala sa isang bahay.

◼ Kailanma’t posible, depende sa kalagayan, gumawa nang mahigit sa isang oras.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share