Iskedyul Para sa Linggo ng Agosto 29
LINGGO NG AGOSTO 29
Awit 33 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 8 ¶17-24, kahon sa p. 67 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Awit 110-118 (10 min.)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo (20 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga patalastas. Gamit ang sampol na presentasyon sa pahina 8, itanghal kung paano makapagpapasimula ng pag-aaral sa unang Sabado ng Setyembre, at himukin ang lahat na makibahagi. Ipahayag ang tungkol sa “Ialok ang Mas Lumang Magasin o Anumang Brosyur na Kukuha ng Interes ng Tao.”
15 min: Masigasig, Bagaman May-edad Na. Pagtalakay batay sa 2011 Taunang Aklat, pahina 61, parapo 1-2; pahina 67, parapo 1; at pahina 135, parapo 2, hanggang pahina 136, parapo 1. Pagkomentuhin ang mga tagapakinig kung ano ang natutuhan nila.
10 min: Maghanda Para sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Setyembre. Pagtalakay. Repasuhin sa loob ng isa o dalawang minuto ang ilang nilalaman ng mga magasin. Pumili ng dalawa o tatlong artikulo, at anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng mga tanong at teksto na magagamit sa presentasyon. Ipatanghal kung paano maiaalok ang bawat isyu.
Awit 122 at Panalangin