Iskedyul Para sa Linggo ng Setyembre 26
LINGGO NG SETYEMBRE 26
Awit 101 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 10 ¶1-9, kahon sa p. 79 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Awit 142-150 (10 min.)
Blg. 1: Awit 144:1–145:4 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Nagsimula Bang Mamahala ang Kaharian ng Diyos Noong Unang Siglo?—rs p. 93 ¶6–p. 94 ¶2 (5 min.)
Blg. 3: Bakit Dapat Nating Iwasan ang “mga Gawa ng Paboritismo”?—Sant. 2:1-4 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga patalastas. Talakayin ang “Isang Paraan Kung Paano Gagamitin ang Brosyur na Mensahe ng Bibliya.” Gamit ang sampol na presentasyon sa pahina 8, ipatanghal kung paano maaaring makapagpasimula ng pag-aaral sa Sabado, Oktubre 1. Pasiglahin ang lahat na makibahagi.
10 min: “Tanong.” Pagtalakay. Bumanggit ng ilang punto mula sa Abril 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8.
15 min: Maghanda Para sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Oktubre. Pagtalakay. Sa loob ng isa o dalawang minuto, banggitin ang ilang artikulo na maaaring magustuhan sa inyong teritoryo. Pagkatapos, isa-isang talakayin kung paano maaaring ialok ang dalawa o tatlong artikulo—tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang maimumungkahi nilang tanong na kukuha ng atensiyon ng may-bahay at kung ano ang tekstong ipapabasa. Yamang espesyal ang isyu ng Gumising! sa Oktubre, itanong kung sino kaya sa teritoryo ang magkakagusto sa magasin at kung paano ito malawakang maipamamahagi. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
Awit 41 at Panalangin