Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Disyembre 26, 2011.
1. Paano makatutulong sa atin ang payo sa Kawikaan 30:32 upang maiwasan na lalo pang makasakit sa isa na nasaktan natin? [w87 5/15 p. 30 par. 10]
2. Anong uri ng “kasayahan” ang hindi naman talaga nagpapasaya sa isang tao? (Ecles. 2:1) [g 4/06 p. 6 par. 1-2]
3. Bagaman iniisip ng ilang tao na ang pananalita ni Solomon sa Eclesiastes 3:1-9 ay sumusuporta sa paniniwala sa tadhana, paano ito nililinaw ng isinulat niya sa Eclesiastes 9:11 na nagpapakitang ang lahat ng bagay sa buhay ay hindi nakatadhana? [w09 3/1 p. 4 par. 4]
4. Ano ang panganib ng pagiging ‘lubhang mapagmatuwid’? (Ecles. 7:16) [w10 10/15 p. 9 par. 8-9]
5. Paano ipinakikita ng Awit ni Solomon 2:7 na hindi dapat magpadalus-dalos sa pagpili ng mapapangasawa? [w06 11/15 p. 19 par. 1; w80-E 4/15 p. 19 par. 7]
6. Ano ang kahulugan ng pananalitang ‘pulot ng bahay-pukyutan ang tumutulo mula sa mga labi’ ng Shulamita at ‘pulot-pukyutan at gatas ang nasa ilalim ng kaniyang dila’? (Sol. 4:11) [w06 11/15 p. 19 par. 6]
7. Ano ang sinasabi ng mga titulong “Kamangha-manghang Tagapayo,” “Makapangyarihang Diyos,” at “Walang-hanggang Ama” tungkol sa mga katangian ni Jesus at sa kaniyang pamamahala sa bagong sanlibutan? (Isa. 9:6) [w91 4/15 p. 5 par. 7]
8. Sino sa ngayon ang maihahambing sa ‘apostatang bansang’ Israel, at sino ang magsisilbing “tungkod” ni Jehova na pupuksa rito? (Isa. 10:5, 6) [ip-1 p. 145 par. 4-5; p. 153 par. 20]
9. Bakit talagang kamangha-mangha ang hula na ang Babilonya ay ‘hindi kailanman tatahanan,’ at ano ang matitiyak natin sa ngayon yamang natupad ang hulang ito? (Isa. 13:19, 20) [g 11/07 p. 9 par. 4-5]
10. Kailan natanggap ni Jesus ang “susi ng sambahayan ni David,” at paano niya ginagamit mula noon ang susing iyon? (Isa. 22:22) [w09 1/15 p. 31 par. 2]