Magandang Paraan Para Masiyahan sa mga Awiting Pang-Kaharian
Para sa mga lingkod ng Diyos, ang musika ay isang magandang regalo mula kay Jehova. (Sant. 1:17) Maraming kongregasyon ang nasisiyahan sa mahinang pagpapatugtog ng mga awiting pang-Kaharian bago at pagkatapos ng kanilang mga pulong. Ang pagpapatugtog ng teokratikong musika ay nakagiginhawang paraan ng pagsalubong sa atin sa mga pulong. Nakatutulong ito upang ihanda ang ating isipan sa pagsamba. Bukod diyan, natututuhan natin ang himig ng bagong mga awit sa ating aklat-awitan at natutulungan tayong awitin ito nang tama. Ang gayong mga musika na pinatutugtog pagkatapos ng pulong ay tumutulong na mapanatili ang masayang kapaligiran habang nagpapatibayan sa isa’t isa. Kaya dapat gumawa ang mga lupon ng matatanda ng kaayusan na patugtugin ang Sing to Jehovah—Piano Accompaniment bago at pagkatapos ng pulong. Dapat nilang tiyakin na ang musika ay hindi masyadong malakas upang magkarinigan ang mga nag-uusap.