Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/04 p. 1
  • Musika na Nakarerepresko

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Musika na Nakarerepresko
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
    Gumising!—1993
  • Upang Masiyahan sa Musika—Ano ang Pinaka-Susi?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Pagpupuri kay Jehova sa Pamamagitan ng Musika
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Paano Ako Magiging Balanse sa Pakikinig ng Musika?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 5/04 p. 1

Musika na Nakarerepresko

1 Mahalagang bahagi ng tunay na pagsamba ang pag-awit at musika. Sa sinaunang Israel, si Asap at ang kaniyang mga kapatid na lalaki ay umawit: “Magpasalamat kayo kay Jehova. . . . Umawit kayo sa kaniya, umawit kayo sa kaniya ng papuri, pagtuunan ninyo ng pansin ang lahat ng kaniyang mga kamangha-manghang pagkilos.” (1 Cro. 16:​8, 9) Sa ngayon, inilalakas natin ang ating mga tinig sa pag-awit kay Jehova sa ating lingguhang mga pulong sa kongregasyon. (Efe. 5:19) Kamangha-manghang pagkakataon nga ito upang pumuri sa kaniyang pangalan!​—Awit 69:30.

2 Mapupuspos ng espirituwal na mga bagay ang ating isipan kung makikinig tayo sa Kingdom Melodies, rekording ng mga awiting pang-Kaharian na tinugtog ng orkestra. “Habang pinatutugtog ang mga himig, naaalaala ko ang mga liriko,” paliwanag ng isang sister. “Napakainam na paraan nga ito upang lagi kong maisaisip si Jehova habang nasisiyahan sa musika!”​—Fil. 4:8.

3 Mga Pagkakataon Upang Masiyahan sa mga Ito: Ang pagpapatugtog ng Kingdom Melodies sa tahanan ay lumilikha ng magiliw at espirituwal na kapaligiran na nagtataguyod ng kapayapaan sa pamilya. “Paulit-ulit naming pinatutugtog [ang musikang] ito sa aming tahanan at sa kotse pero hindi kami nagsasawa dahil isinaayos ang mga himig sa kawili-wiling paraan,” ang isinulat ng isang pamilya. “Malimit na nakatutulong ang Kingdom Melodies upang magkaroon kami ng wastong disposisyon samantalang naghahanda sa pagpunta sa mga Kristiyanong pagpupulong o kapag naglalakbay patungo sa asamblea.” Isang sister ang nagsabi: “Talagang sumisigla ako kapag pinakikinggan ko ang mga ito samantalang nagtatrabaho sa bahay​—sino ang mag-aakalang magiging masayahin ako habang nagtitiklop ng mga labada? Balak kong patugtugin ang musikang ito sa mga panahong nasisiraan ako ng loob. Tunay ngang nakapagpapalakas ang musikang iyon! . . . Nakapagpapaligaya ang bawat awitin.” May naiisip ka bang mga pagkakataon na makikinabang ka sa gayong nakarerepreskong musika?

4 Masasalamin sa karamihan ng mga musika ngayon ang saloobin ng sanlibutan. Matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magkaroon ng hilig sa kaayaayang musika sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng mga rekording ng Kingdom Melodies. Maraming estudyante sa Bibliya at mga taong interesado ang magagalak ding makaalam hinggil sa magagandang espirituwal na mga awiting ito, na lumuluwalhati kay Jehova at nakapagpapasigla ng damdamin.​—Awit 47:​1, 2, 6, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share