Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Mayo 10
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 4 upang itanghal kung paano ihaharap ang Mayo 15 ng Bantayan at ang Mayo 22 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ipakita kung paano sasagutin ang pagtutol na “Mayroon na akong sariling relihiyon.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 17-18 (p. 18-19 sa Ingles).
15 min: Pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod hinggil sa mga punto sa “Tanong.” Idiin na hindi natin nais magbigay ng impresyon na nangingilak tayo ng donasyon sa publiko. Himukin ang lahat sa kongregasyon na lubusang sumuporta sa pambuong-daigdig na gawain sa pamamagitan ng regular na pag-aabuloy.
20 min: “Magpalawak.”a Ilakip ang mga komento sa aklat na Sambahin ang Diyos, pahina 150, parapo 14.
Awit 18 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 17
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Ipakita ang Iyong Pasasalamat.”b Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na komentuhan ang binanggit na mga kasulatan. Kapag tinatalakay ang parapo 3, pagkomentuhin ang isa o dalawang nag-auxiliary pioneer kamakailan hinggil sa mga pagpapalang naranasan nila dahil sa paggawa nito.
20 min: Nagmamalasakit Tayo sa Isa’t Isa. (1 Cor. 12:25, 26) Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 157-9, sa ilalim ng subtitulong “Pagmamalasakit sa Isa’t-Isa.” Bagaman sa iba’t ibang panig ng daigdig nakatira ang bayan ni Jehova, lubos tayong nagkakaisa. Dapat ipanalangin nating lahat ang ating mga kapatid sa araw-araw. Mabilis din tayong nagbibigay ng materyal na tulong kapag may biglaang mga pangangailangan. Basahin at talakayin ang susing mga kasulatan, at maglakip ng isa o dalawang karanasan mula sa ating mga publikasyon.
Awit 100 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 24
12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Itanghal kung paano ihaharap ang Hunyo 1 ng Bantayan at ang Hunyo 8 ng Gumising! Ibagay ang bawat presentasyon upang mapukaw ang interes ng isa na miyembro ng relihiyon sa inyong lugar.
15 min: “Musika na Nakarerepresko.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Ilakip ang mga komento mula sa 2002 Taunang Aklat, pahina 175, at sa Pebrero 1, 1997, Bantayan, pahina 27, parapo 1-2. Itawag-pansin ang huling bahagi ng Mga Patalastas hinggil sa Kingdom Melodies No. 9 sa audiocassette.
18 min: Maging Handang Magpatotoo Nang Di-pormal. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Hunyo 2003 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 3. Isaayos nang patiuna na maglahad ang ilan ng kanilang mga karanasan sa pagpapatotoo nang di-pormal. Itanghal sa maikli kung paano magagamit ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? at ang buklet na Good News for All Nations kapag nagpapatotoo nang di-pormal.
Awit 211 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 31
8 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Mayo.
17 min: Buhay—Isang Kaloob na Dapat Pakamahalin. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 25-6. Ilakip ang mga komento sa Mayo 22, 1993, Gumising! pahina 10-11. Paano mo ipaliliwanag ang pangmalas ni Jehova sa aborsiyon sa isang tao na naniniwalang karapatan ng isang babae na magpasiya sa mga bagay may kinalaman sa sarili niyang katawan? Ilahad ang karanasan sa Enero 1, 2000, Bantayan, pahina 4, parapo 4-5.
20 min: “Pag-aalok ng Matuto Mula sa Dakilang Guro.” Iaalok natin ang publikasyong ito sa buwan ng Hunyo. Itawag-pansin ang mga katangian nito na inilarawan sa pahina 7, parapo 1-3, ng aklat. Pagkomentuhin ang mga tagapakinig kung ano ang pinahahalagahan nila sa aklat na ito. Repasuhin ang iminungkahing mga presentasyon. Idiin kung paano itatampok ang mga larawan kapag iniaalok ang aklat. Isang kabataan ang magtatanghal ng unang presentasyon, at isa namang adulto sa alinman sa dalawa pang presentasyon.
Awit 24 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 7
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Gumamit ng Mabibisang Ilustrasyon sa Iyong Pagtuturo. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Setyembre 1, 2002, Bantayan, pahina 22-4. Anong apat na salik ang nagpapangyaring maging mabisa ang isang ilustrasyon? Bakit makabubuti na panatilihing simple ang mga ilustrasyon? Saan tayo makasusumpong ng mabibisang ilustrasyon? Suriin ang ilan sa mga halimbawa sa kahon sa pahina 23, at talakayin kung bakit mabisa ang bawat ilustrasyon.
Awit 133 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.