Iskedyul Para sa Linggo ng Agosto 6
LINGGO NG AGOSTO 6
Awit 60 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 24 ¶16-21 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 24-27 (10 min.)
Blg. 1: Ezekiel 24:15-27 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Sa Anu-anong Kalagayan Pinahintulutan ng Diyos na Makipagdigma ang mga Israelita?—rs p. 249 ¶5–p. 250 ¶4 (5 min.)
Blg. 3: Sinasalungat ba ng Ezekiel 18:20 ang Exodo 20:5? (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga patalastas.
10 min: Handa Ka Bang Harapin ang mga Hamon sa Paaralan? Pagtalakay. Tanungin ang mga tagapakinig kung anu-ano ang ilan sa mga hamong napapaharap sa mga kabataang Kristiyano sa paaralan. Ipaliwanag kung paano magagamit ng mga magulang ang Index, mga aklat na Tanong ng mga Kabataan, at iba pang publikasyon sa kanilang pampamilyang pagsamba para ihanda ang kanilang mga anak na labanan ang mga tukso at ipaliwanag ang kanilang pananampalataya. (1 Ped. 3:15) Pumili ng isa o dalawang paksa, at ilahad ang ilang kapaki-pakinabang na impormasyon mula sa ating mga publikasyon. Tanungin ang mga tagapakinig kung paano sila nakapagpatotoo sa paaralan.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
10 min: Mga Mungkahi sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Agosto. Pagtalakay. Sa loob ng 30 hanggang 60 segundo, banggitin kung bakit maaaring magustuhan ang mga magasin sa inyong teritoryo. Pagkatapos, anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng magagandang tanong at tekstong ipababasa para sa seryeng itinatampok sa pabalat ng Ang Bantayan. Gayundin ang gawin sa seryeng itinatampok sa pabalat ng Gumising! at, kung may oras pa, sa isa pang artikulo ng alinmang magasin. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
Awit 97 at Panalangin