Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Kaylaking kagalakang makita ang 33,875 nag-auxiliary pioneer noong Marso! Dahil sa pinag-ibayong pagsisikap na ito, nagkaroon tayo ng apat na bagong peak noong buwang iyon: (1) 178,555 mamamahayag; (2) 216,311 pag-aaral sa Bibliya; (3) 1,163,475 pagdalaw-muli; at (4) 1,389,910 magasin. Mas marami nang 10,900 pag-aaral sa Bibliya ang iniulat noong Marso kaysa noong Pebrero! Natutuwa tayo na maging mga kamanggagawa ng Diyos sa panahong ito ng pag-aani!—1 Cor. 3:6-9.