Iskedyul Para sa Linggo ng Agosto 13
LINGGO NG AGOSTO 13
Awit 63 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 25 ¶1-7, mga kahon sa p. 199-200 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 28-31 (10 min.)
Blg. 1: Ezekiel 28:17-26 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Anong Paniniwala Tungkol kay Jesu-Kristo ang Tama at Mali? (5 min.)
Blg. 3: Anong mga Kasulatan ang Nagpapaliwanag Tungkol sa Saloobin ng Isang Kristiyano sa Pakikibahagi sa Politikal na mga Isyu?—rs p. 251 ¶1-5 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga patalastas.
10 min: Maglatag ng Pundasyon Para sa Pagdalaw-Muli. Pagtalakay batay sa sumusunod na mga tanong: (1) Bakit kapaki-pakinabang na maglatag ng pundasyon para sa pagdalaw-muli, at paano ito magagawa? (2) Paano tayo makapipili ng kawili-wiling tanong para sa may-bahay na sasagutin natin sa susunod na pagdalaw? (3) Bakit makabubuting magkaroon ng isang tiyak na oras para sa susunod na pag-uusap at, kung posible, kunin ang numero ng telepono o e-mail adres ng may-bahay? (4) Bakit dapat nating pagsikapang bumalik agad, marahil pagkalipas ng ilang araw? (5) Anong impormasyon ang dapat nating isulat pagkatapos ng unang pagdalaw?
10 min: Interbyuhin ang isa o dalawang buong-panahong lingkod. Ano ang nagpasigla sa kanila na pumasok sa buong-panahong paglilingkod? Anong mga problema ang naranasan nila at paano sila nakapagpatuloy sa buong-panahong paglilingkod? Anu-anong pagpapala ang tinamasa nila? Pasiglahin ang mga mamamahayag na pag-isipang mag-regular pioneer sa darating na taon ng paglilingkod.
10 min: “Hindi Tayo Kailanman Nakabakasyon.” Tanong-sagot.
Awit 65 at Panalangin