Young People Ask—What Will I Do With My Life? (Bahagi 1)
Habang lumalaki ang mga kabataan tungo sa pagiging adulto, dapat silang gumawa ng mahahalagang desisyon. Upang tulungan sila, ginawa ang video na Young People Ask—What Will I Do With My Life? Piliin sa main menu ang Play Drama, at tingnan kung masasagot mo ang mga tanong sa ikalawang parapo. Pagkatapos, piliin ang Interviews sa main menu at saka piliin ang Looking Back, at subuking sagutin ang mga tanong sa ikatlong parapo.
Drama: (1) Paano nakakatulad ng maraming kabataang Kristiyano ngayon ang kalagayan ni Timoteo? (2) Paano ginigipit si Andre na magpakagaling sa isport? (3) Ano ang sinabi ni Brother Fleissig kay Andre tungkol sa (a) pagiging nakaalay kay Jehova at sa pagiging nakaalay sa isport? (Mat. 6:24) (b) pinagmumulan ng tunay na kaligayahan? (c) kung ano ang ipinaaalaala sa kaniya ng mangkok niya sa kampong piitan? (d) mga taong nasa larawan na kasama nilang mag-asawa? (e) kung pinagsisihan ba niya na binago niya ang kaniyang mga tunguhin? (Fil. 3:8) (4) Paano sinagot ng lola ni Andre ang tanong niya na, “Masama bang maging sikat na mananakbo?” (Luc. 4:5-7) (5) Nagdulot ba ng tunay na kaligayahan kay Andre ang pagkapanalo sa takbuhan? (6) Ano ang pinahalagahan mo sa huling sulat ni Brother Fleissig kay Andre? (Kaw. 10:22) (7) Ano ang natuklasan ni Andre sa tulong ni Brother Fleissig?
Looking Back: (8) Anong mga karera ang pinaghahandaan ng kapatid na lalaki at babae, at bakit? (9) Gaano na sila katagumpay? (10) Ano ang dahilan ng malaking pagbabago sa buhay ng bawat isa sa kanila? (2 Cor. 5:15) (11) Anong teokratikong karera ang pumalit sa dati nilang karera, at bakit nila inisip na hindi nila ito maaaring abutin pareho? (12) Nagsisi ba sila dahil binago nila ang kanilang pokus sa buhay? (13) Ano ang sinabi nila kung kaya napag-isip-isip mo kung ano ang dapat mong gawin sa iyong buhay?
Pakisuyong panoorin ang iba pang interview at supplementary material, at maging handang magkomento kapag tinalakay ang mga ito sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo.