Ano ang Gagawin Mo sa Iyong Buhay?
1 Kung minsan, tinatanong ang mga bata, “Ano ang gusto mong maging paglaki mo?” Kung batang lalaki ka, sumagot ka ba na gusto mong maging doktor? inhinyero? tagapangasiwa ng sirkito? Kung batang babae ka naman, sumagot ka ba na gusto mong maging guro? nars? misyonera? Ngayong malaki ka na, dapat mong itanong sa iyong sarili ang isa pang tanong, ‘Ano ba ang gagawin ko sa aking buhay?’ Handa ka na bang magdesisyon?
2 Para tulungan kang malaman ang pinakamagandang desisyon, ang organisasyon ay gumawa ng DVD na Young People Ask—What Will I Do With My Life? Panoorin mo sana ito, at pag-isipan ang lahat ng mensahe nito, pati na ang drama, interbyu, at karagdagang materyal. Ang nilalaman nito ay nasa kahong “Main Menu.”
3 Ang Drama: Habang pinanonood mo ang drama, pag-isipan ang mga tanong na ito: (1) Anu-ano ang pagkakapareho ni Timoteo, na binanggit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, at ni Andre? (Gawa 16:1; 1 Tim. 4:8; 2 Tim. 1:5) (2) Paano ginigipit si Andre na magpakagaling sa isport, at sino ang gumigipit sa kaniya? (3) Sino ang naging mabubuting impluwensiya kay Timoteo at kay Andre, at sa paanong paraan? (2 Tim. 1:1-4; 3:14, 15) (4) Paano nakaapekto kay Andre ang payo sa Mateo 6:24 at Filipos 3:8, at paano naman ito nakaaapekto sa iyo?
4 Pilíng mga Eksena: Pagkatapos mong panoorin ang buong drama, panoorin muli ang sumusunod na mga eksena, at sagutin ang mga tanong na ito. “Paul and Timothy”: Ano ang huling payo ni Pablo kay Timoteo? (2 Tim. 4:5) “Giving Jehovah Your Best”: Anu-ano ang iyong espirituwal na mga tunguhin? “Taking a Stand for Jehovah”: Saan nagmumula ang tunay na kaligayahan? “Grandmother’s Advice”: Ano naman ang masama kung gusto mong maging sikat sa sanlibutan ni Satanas? (Mat. 4:9) “No Regrets”: Ano ang dapat mong maunawaan na tutulong sa iyo na masiyahan sa buhay?—Kaw. 10:22.
5 “Interviews”: Habang pinanonood mong isa-isa ang sumusunod na bahagi, ano ang naiisip mong magagawa mo para maibigay kay Jehova ang iyong buong makakaya? (1) “Dedication to Vain Pursuits or to God?” (1 Juan 2:17); (2) “Learning to Enjoy Your Ministry” (Awit 27:14); at (3) “An Open Door to Service.”—Mat. 6:33.
6 “Looking Back”: Masasagot mo ba? (1) Anong mga karera ang pinaghahandaan ng kapatid na babae at lalaki, at bakit? (2) Gaano na sila katagumpay? (3) Ano ang dahilan ng malaking pagbabago sa buhay ng bawat isa sa kanila? (2 Cor. 5:15) (4) Anong teokratikong karera ang pumalit sa dati nilang karera, at bakit nila inisip na hindi nila ito maaaring abutin pareho? (5) Nagsisisi ba sila dahil binago nila ang kanilang pokus sa buhay? (6) Ano ang sinabi nila kung kaya napag-isip-isip mo kung ano ang dapat mong gawin sa iyong buhay?
7 “Supplementary Interviews”: Sa mga interbyung ito, ano ang iyong natutuhan na maikakapit mo upang mas lubusang makapaglingkod kay Jehova? (1) “The Value of Personal Study,” (2) “Alternative Witnessing,” (3) “Bethel Service,” (4) “Gilead Missionary Training,” at (5) “Ministerial Training School.” Repasuhin ang “Index to Published Information on Related Subjects,” at magbasa pa tungkol sa mga paksang nagustuhan mo.
8 Kumusta? Nakapagdesisyon ka na ba kung ano ang gagawin mo sa iyong buhay? Pinasigla ni Pablo si Timoteo: “Magmuni-muni ka sa mga bagay na ito; magbuhos ka ng pansin sa mga iyon, upang ang iyong pagsulong ay mahayag sa lahat ng mga tao.” (1 Tim. 4:15) Hinihimok ka naming gawin din ang gaya ng napanood mo sa DVD na ito. Humingi ka ng tulong kay Jehova para makagawa ka ng matalinong desisyon na talagang magbibigay sa iyo ng kagalakan at kasiyahan sa buhay ngayon at sa hinaharap.
[Kahon sa pahina 6]
MAIN MENU
Play Drama
Scenes (11 selections)
Interviews
Play All
Sections (3 selections)
Looking Back
Supplementary Material
Supplementary Interviews
Index to Published Information on Related Subjects
Subtitles
Hearing Impaired
None
Para makapili sa mga menu, pindutin ang Next ▶, ◀ Back, at Main Menu.