Mga Patalastas
◼ Nobyembre at Disyembre: Gamitin ang isa sa sumusunod na mga tract: Lahat ng Pagdurusa—Malapit Nang Magwakas!, Tamasahin ang Buhay Pampamilya, Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas?, o Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? Kapag nagpakita ng interes, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? o ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Enero at Pebrero: Maaaring ialok ng mga mamamahayag ang isa sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Ano ang Layunin ng Buhay?, o Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Kapag nagpakita ng interes, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang alinman sa mga brosyur na ito. Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sikaping makapagtatag ng regular na pag-aaral sa Bibliya.
◼ Maaaring baguhin ang iskedyul ng mga bahagi sa huling Pulong sa Paglilingkod bago ang inyong kombensiyon para marepaso ang mga payo at paalaala tungkol sa pagdalo sa kombensiyon. Mga isa o dalawang buwan matapos ang inyong kombensiyon, maaaring repasuhin sa lokal na mga pangangailangan ang mga puntong natandaan ng mga mamamahayag na makatutulong sa ministeryo.
◼ Gaya ng iminungkahi sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Setyembre, pakisuyong dalhin sa kombensiyon ang lahat ng matitirang imbitasyon para magamit sa di-pormal na pagpapatotoo o ibigay sa isa sa mga attendant.