Iskedyul Para sa Linggo ng Disyembre 3
LINGGO NG DISYEMBRE 3
Awit 128 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jr kab. 2 ¶7-13, kahon sa p. 20 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Nahum 1-3–Habakuk 1-3 (10 min.)
Blg. 1: Habakuk 2:1-14 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Bakit Dapat Salitain ang Katotohanan Nang May Kombiksiyon?—2 Tim. 1:7, 8 (5 min.)
Blg. 3: Papaano Matatamo ng Sinoman sa Atin ang Tunay na Kaalaman at Karunungan?—rs p. 343 ¶3–p. 344 ¶2 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga Mungkahi sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Disyembre. Pagtalakay. Sa loob ng 30 hanggang 60 segundo, banggitin kung bakit magugustuhan ang mga magasin sa inyong teritoryo. Pagkatapos, gamit ang seryeng itinatampok sa pabalat ng Ang Bantayan, anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng magagandang tanong at tekstong ipababasa. Gayundin ang gawin sa seryeng itinatampok sa pabalat ng Gumising! at, kung may oras pa, sa isa pang artikulo ng alinmang magasin. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
10 min: Mga Karanasan sa Pag-aalok ng mga Tract. Pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Tanungin ang mga tagapakinig tungkol sa mga karanasan nila sa pag-aalok ng mga tract noong Nobyembre. Ipatanghal sa dalawang mamamahayag ang magagandang resulta ng paggamit nila ng mga tract sa bahay-bahay.
Awit 96 at Panalangin