Iskedyul Para sa Linggo ng Mayo 6
LINGGO NG MAYO 6
Awit 26 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jr kab. 9 ¶1-7 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Juan 1-4 (10 min.)
Blg. 1: Juan 3:22-36 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Ano ang Tunay na Kahulugan ng “Lumakad Ayon sa Espiritu”?—Gal. 5:16 (5 min.)
Blg. 3: Paanong ang Kamatayan ni Jesu-Kristo ay Naiiba sa Kamatayan ng Iba na Naging mga Martir?—rs p. 324 ¶1–p. 325 ¶1 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga Mungkahi sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Mayo. Pagtalakay. Sa loob ng 30 hanggang 60 segundo, banggitin kung bakit magugustuhan ang mga magasin sa inyong teritoryo. Pagkatapos, gamit ang tampok na paksa sa Ang Bantayan, anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng magagandang tanong at tekstong ipababasa. Gayundin ang gawin sa Gumising! at, kung may oras pa, sa isa pang artikulo ng alinmang magasin. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
10 min: Malibang si Jehova ang Magtayo ng Bahay, Walang Kabuluhan ang Pagpapagal ng mga Tagapagtayo Nito. (Awit 127:1) Pagtalakay batay sa 2013 Taunang Aklat, pahina 149, parapo 1, hanggang pahina 151, parapo 1. Tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang natutuhan nila.
Awit 47 at Panalangin