Iskedyul Para sa Linggo ng Mayo 27
LINGGO NG MAYO 27
Awit 6 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jr kab. 10 ¶1-7 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Juan 12-16 (10 min.)
Blg. 1: Juan 12:20-36 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kanino Unang Ikinapit ang Bisa ng Hain ni Jesus, at Ano ang Layunin Nito?—rs p. 327 ¶1-2 (5 min.)
Blg. 3: Bakit Angkop na Tawagin si Jehova na “ang Diyos na Nagbibigay ng Kapayapaan”?—Roma 15:33 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Magpasimula ng Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado. Pahayag. Ipatanghal kung paano makapagpapasimula ng pag-aaral sa unang Sabado ng Hunyo, gamit ang pahina 16 ng Ang Bantayan. Pasiglahin ang lahat na makibahagi.
15 min: Diligin ang mga Binhing Itinanim Natin. (1 Cor. 3:6-9) Pagtalakay batay sa sumusunod na mga tanong: (1) Ano ang nae-enjoy mo sa mga pagdalaw-muli? (2) Bakit nahihirapan ang ilan na dumalaw-muli? (3) Paano nila ito mapagtatagumpayan? (4) Kanino tayo makahihingi ng tulong kung nahihirapan tayong dumalaw-muli? (5) Kapag may nagpakita ng interes, paano mo inirerekord ang mga detalye tungkol sa kaniya, sa pinag-usapan ninyong paksa, sa naiwan mong publikasyon, at iba pa? (6) Paano ka naghahanda para sa pagdalaw-muli? (7) Bakit magandang mag-iskedyul ng panahon linggu-linggo para sa pagdalaw-muli?
10 min: “Gamitin ang mga Video sa Pagtuturo.” Pagtalakay. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano nakatulong sa kanila ang ating mga video bago sila naging mga Saksi.
Awit 101 at Panalangin