Iskedyul Para sa Linggo ng Hulyo 22
LINGGO NG HULYO 22
Awit 22 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jr kab. 12 ¶8-13 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Gawa 22-25 (10 min.)
Blg. 1: Gawa 22:17-30 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Sa Anu-anong Paraan Tayo ay Nasa Sanlibutan Ngunit Hindi Bahagi Nito?—Juan 17:15, 16 (5 min.)
Blg. 3: Maaari Bang Dalhin ang mga Kristiyano sa Langit na Taglay ang Kanilang Katawang Laman?—rs p. 351 ¶1-2 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Handa Ka Na Bang Harapin ang mga Pagsubok sa Paaralan? Pagtalakay. Tanungin ang mga tagapakinig kung anu-ano ang ilan sa mga hamong maaaring mapaharap sa mga kabataang Kristiyano sa paaralan. Ipaliwanag kung paano magagamit ng mga magulang ang Index, mga aklat na Tanong ng mga Kabataan, ang ating Web site, at iba pang publikasyon sa kanilang pampamilyang pagsamba para maging handa ang kanilang mga anak sa paglaban sa mga tukso at pagpapaliwanag ng kanilang pananampalataya. (1 Ped. 3:15) Pumili ng isa o dalawang paksa, at ilahad ang ilang kapaki-pakinabang na impormasyon mula sa ating mga publikasyon. Tanungin ang mga tagapakinig kung paano sila nakapagpatotoo sa paaralan.
20 min: “Mga Bagong Kaayusan sa Pampublikong Pagpapatotoo.” Tanong-sagot. Sabihin ang anumang lokal na kaayusan ng kongregasyon para sa pampublikong pagpapatotoo na gumagamit ng mga mesa o displey ng mga literatura na naililipat-lipat, at maglahad ng magagandang karanasan.
Awit 95 at Panalangin